ISANG LINGO na ang nakilapas magmula ng inuwi si Cassandra sa kanilang bahay sa baryo, medyo sanay naman siya sa baryo dahil pag walang pasok ay dito sila naglalagi kaya hindi na siya gaanong nahirapan sa pag a-adjust.
Mabuti na lang at may kuya siyang mabait, ateng inggrata at dalawang maliliit na bunsong kapatid kaya hindi naging boring sa kanya ang pag-stay niya dito.
Ngayon niya lang nakasama ng ganito katagal ang pamilya niya, dahil mula ng anim na taon siya ay sa lola na siya tumira. Nakakasama man niya ang kanyang mga magulang at kapatid ay hindi tumatagal ng limang araw.
Kasalukuyang nakatingin is Cassandra sa mga halo-halong hugasin na nasa lababo ng kanilang dirty kitchen. Animo pagtinitigan niya ang mga ito ay kusang mahuhugasan.
Pinagkainan nila iyon ng tanghalian at ang sabi ng papa niya ay siya ang nakatoka sa pag-uurong. Kaya eto hindi niya alam kung paano at saan mag-uumpisa. For the past 16 years of her existence, this is the first time she will experience washing a lot of greasy dishes.
Dinampot niya ang sponge na nakapatong sa lagayan ng sabon at nilagyan ng ilang patak ng dishwashing liquid. Inumpisahan niyang sabonin ang baso kahit hindi pa niya ito nababanlawan.
Napabuntong hininga siya. -Nakakainis! Sa bahay ni lola hindi ako naghuhugas ng ganito karaming pinagkainan, dito gagawin akong alila- nakalabi niyang kausap sa sarili.
Apat na araw na ang nakalipas mula nang nakauwi siya sa kanilang baryo at eto hindi pa rin nakapag-adjust. Natao lang siya sa bahay, dahil kailangan niya munang magpahinga tulad ng sabi ng kanyang mama. At bukas ay papasok na sa bago niyang paaralan.
Sa bahay nila ay bawat isa ay may kanya-kanyang gawain. Kahit may sinasabi sila sa buhay ay ayaw ng kanilang ama na lumaking hindi tamad at hindi marunong sa gawaing bahay. As ex-military, their father wants to teach them how to be independent.
Sa kanilang pitong mag-kakapatid, silang lima lang ang naiwan dahil ang kuya Marcus at Melvin nila ay nasa Manila na para magtrabaho. Ang kuya Jr niya ang naatasan sa pagkuha ng mga pang-gatong, ang ate Carla naman niya ay taga linis sa bahay; siya naman ay taga urong, at ang mga maliliit naman nilang kapatid ay alagain dahil wala pa raw alam ang mga ito sa trabahong bahay.
Kanina pa siya nagsasabon at naiinis dahil kahit anong gawin niya sa platong plastik na kanyang hinuhugasan ay ayaw maalis ng sebo. Ang paborito ulam ba naman ng kanyang papa ang inulam nila, ang pinapaitan.
Naiiyak na siya sa prostration, nang hindi niya maalis ang sebo dala ng inis at bagot ay pinag-hahagis niya ang mga hugasin. Tumilapon ang mga iyon sa likod ng dirty kitchen at naglikha ng kaunting ingay.
Lingid sa kaalaman niya ay pinagmamasdan siya ng kanyang ama't ina. Sinadya nilang mga plastic na kobyertos ang ilabas at gamitin muna para kahit mahulog ay hindi mabasag. Her father expects these will happen and he knows her very well.
Naluluha na siya habang pinapakalma ang sarili, nag inhale-exhale muna siya ng ilang beses dahil nanginginig pa rin siya sa inis. Ilang sandali siyang tahimik at saka nagpalinga-linga sa paligid. Wala namang tao maliban sa kanya, kaya nagmadali niyang pulutin isa-isa ang mga hinagis niya kanina. Napagtanto rin niya na hindi tama ang kanyang ginawa.
Naisip niya na wala naman ibang mamumulot ng mga iyon kundi siya at pag nalaman pa ng kanyang ama ay malamang mapagalitan pa siya.
Inayos niya muli ang mga ito at ipinatong sa lababo. -ano na gagawin ko ngayon? Ayaw naman maalis ng sebo?- naiiyak na niyang kausap sa sarili habang sinasabon ang baso na nahaluan ng sebo. -think, Cassandra. Think,- aniya sa sarili.
Nag isip siya kung ano ang dapat gawin, iginala niya ang paningin sa kusina para makahanap ng sulusyon at nahagip ng mata niya ang thermos. -Diba nag-me-melt ang oil pag mainit at pag malamig naman nagiging solid?- kausap niya sa sarili. Nakaisip na siya ng sulusyon, pinunasan muna niya ang kanyang kamay at saka kinuha ang thermos.
She took the washbasin in the corner and opens the lid of the thermos, she slowly pours the hot water into the washbasin. After pouring the hot water she patiently deep the plates and utensils one by one. And a few minutes later, she is done with the greasy plates.
"Deng, sama ka sa akin," aya ng kuya niyang si Jr na kapapasok lang sa kusina. May hawak itong recycle bag. (DENG short for Ading, tawag sa mga nakababatang kapatid in Ilocano.)
Napalingon siya sa kapatid habang pinupunasan ang mesa. "Saan kuya?" tanong niya.
Humila ito ng upuan at saka naupo. "Mamalengke raw tayo ng ulam, wala si tito Jess kayo tayo ang uutusan."
Napakunot nuo siya. "Ulam? katatapos lang ng tanghalian, ulam na naman? Sana lang ay hindi na baka iyan, kuya. Ang hirap magtanggal ng sebo," reklamo niya.
Tinawanan siya ng kapatid, kumuha ito ng saging na nakalagay sa fruit basket sa ibabaw ng mesa at saka binalatan at kinain. "Hindi na. Huwag kang mag alala, baboy naman ngayon. Gusto raw ni papa ng sinigang, e." anito habang nginunguya ang saging.
"Buti naman. At sana lang 'wag plastik na plato ang gamit natin, ang daming loza ni mama sa cabinet tapos ito ginagamit natin? Ano 'yon pang display lang?"
"Ang dami mong reklamo. Baka raw kasi maubos ang loza ni mama kung ikaw taga hugas," biro nito sa kanya, pero alam naman niya na may katotohanan ito.
Napangiting aso siya sa sinabi ng kuya niya. "Hmmp! Grabe kayo sa akin-" naputol sang sinasabi niya dahil pumasok ang ate niya sa kusina.
"Tapos ka na ba Cassadra?" tanong nito.
Napatingin siya sa kuya niya na tahimik na kumakain ng saging. -Kailangan pa bang itanong? Hindi mo ba nakikita na tapos na? Wala ka bang mata?- gustong gusto niyang isatinig pero sinarili na lang niya. "Opo ate, tapos na," tanging sagot niya.
"O. Pala? E, bakit ang tagal mo dito? Kanina pa kayo hinihintay ni papa sa utos niya. Kuya?" baling naman nito sa kuya Jr nila.
"Ate, baka nakalimutan mo puro sebo yung hinugasan ko? I need to do something to get rid of it. How do you expect me to be fast?" hindi niya mapigilang mainis.
"Huwag mo nga akong ma-english english. Oo... alam ko matalino ka. Pero kanina pa kayo hinihintay ni papa!" nakabulyaw nitong sabi at saka siya inirapan.
"Paulit-ulit 'teh?"
"Oy, ano ba kayo? Lalo ka na Carla, parang ang layo ng kausap mo ah!? Kailangan mo talagang sumigaw? Pag narinig ni papa magagalit na naman? Gusto mo 'yon, ha?" sita ng kuya niya.
Natahimik ang ate niya at sinamaan siya ng tingin, siya na naman ang masama sa paningin nito dahil pinagtatanggol siya ng kanilang kuya.
Tumayo ang kuya nila at naglakad na palabas ng dirty kitchen nila, alam niyang naiirita din ito sa ate niya. "Halika na Cassandra at hindi na makapaghintay ang ulam na mabili, baka maubusan pa tayo, bilisan mo," sarkastikong sabi nito.
"Opo, kuya." sang ayon niya at mabilis na sumunod, iniwan nila ang ate niya sa kusina. Alam niyang naiinis na naman ito sa kanya, pero wala naman siyang pakialam.
Sinabayan niya sa paglalakad ang kuya niya patungong teresa ng kanilang bahay. Naabutan nila ang mama at papa nila roon kasama ang dalawa nilang maliit na kapatid.
"Pa, anong ulam nga po uli ang bibilhin?" tanong ng kuya niya.
"Ilista mo ang bibilhin niyo 'nak," utos ng ina niya sa kanya. Kinuha niya ang ballpen at papel sa coffee table na nasa harap ng kanyang mama at papa.
Sinabi ng ina nila ang lahat ng mga kailangang bilhin, nang matapos iyon ay binigyan sila ng pera para pamalengke. Agad nilang tinungo ang garahe at sumakay sa single motor ng kuya niya.
Nasa kalagitnaan sila ng biyahe ng magtanong ang kuya niya. "Deng, gusto mong matutong mag-motor?"
"Hindi na 'yan tinatanong kuya. Oo naman kuya! Gustong-gusto. Puwede ba?" mabilis niyang sagot. Gustong-gusto niya kasing matuto, tutol lang ang kanilang ama. "Pero, baka magalit si papa kuya. 'Di ba nga nung tinuruan niyo ako nila kuya Melvin magbisekleta nagalit siya?" alanganin niyang sabi.
Nakita niya ang pag-ngiti ng kanyang kuya mula sa side ng muka nito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.
"Akong bahala, saka lang kita tuturuan kapag ganitong uutusan tayo ni papa, basta mag iingat lang tayo," anito. Ito ang gustong-gusto niya sa kuya niya, lagi itong nakagabay sa kanya at napakakunsintidor sa kanya.
Maliban sa kanilang lola ay ang mga kuya niya ang sobrang malapit sa kanya, hindi naman sa ini-spoiled siya ng mga ito pero napaka alaga ng mga ito sa kanya. Tanging ang ate lamang niya ang iniiwasan niya, sa kanilang pito ay ito lang ang naiiba ng ugali sa kanila.
"Sige kuya. Promise 'yan ha!?" aniya.
"Oo! Basta doble ingat tayo, alam mo naman si papa." anito. At dahil sa tuwa ay niyakap niya ang kapatid.
"Opo, gagalingan ko kuya."
"Dapat lang." sabay tawa nito. "Marunong ka dapat talaga mag maneho para kapag wala ako o ang papa hindi mo na problema ang driver mo. Kapag natuto ka na sa motor sunod natin yung jeep." anito na mas ikinalawak pa ng ngiti niya. Excited na siyang matuto.
"Talaga, kuya? Bibilisan kong matuto kuya."
"Oo. Ang kulit. Marunong ka naman na mag-bike, madali na lang 'yan. Sige umpisahan natin," anito at saka itinabi ang motorsiklo sa gilid ng daan. "Lipat ka dito sa harap,."
Mabilis siyang sumunod sa kapatid, masyado siyang excited para dito. Kakaibang saya ang nadarama niya ngayong siya na ang nakahawak sa manubela. Sinabi na muna ng kuya niya ang mga gamit ng bawat parte sa motor. Mula sa clutch, brakes, throttle at Gear Shifter.
"'Wag mo agad iri-release ang clutch pag aarangkada ka, ha? Dahan-dahan ang bitaw para hindi tayo tumalon, dahan-dahan din ang pagpihit ng trottle," turo nito. Tumango lang siya bilang sagot habang naka focus sa pagsaulo sa sinabi ng kapatid.
Ginawa niya ang eksaktong sinabi ng kuya niya, dahan-dahan nga ang pag bitaw niya sa clutch, napangiti siya dahil unti-unti silang umuusad. Napangiti siya dahil nagawa niya ng tama ang turo sa kanya.
"Kapag mag-change gear, balik ng pihit sa throttle tapos tapak sa harap sa gear shifter. Tapos alalay lang sa pagpihit ulit ng throttle. Ang brake pag gusto mo mag minor o huminto dahan-dahan din ang hila sa hand brake kung ayaw mong sumemplang," turo nito sa kanya. "Hanggat maari at hindi kinakailangan 'wag kang gagamit ng preno sa harap, gamitin mo ang rear brake o preno sa paa, dahan-dahan lang ang apak."
"Opo kuya," sagit niya habang naka-concentrate sa kalsada.
Matiyaga siyang tinuruan ng kuya niya. Hinayaan siya nitong humawak ng manubela hanggang sa malapit na sa centro ng Brgy nila. Masaya siya sa naging bonding nilang magkapatid, kahit papaano ay may kaunti siyang natutunan.
Nang makauwi silang magkapatid ay parang walang nangyari tanging sikretong tinginan lang nilang mag-kuya.
"Good luck sa unang araw mo bukas kapatid," sabi ni kuya bago kami magsipasukan sa aming mga silid.