“I thought you have an important meeting?” Baling ko kay Premium na busy sa pakikipaglaro kay Yshan. Umalis lamang saglit ang mag-asawa upang bumili ng makakain sa ibaba. Andito na kasi sa condo unit ko. Tumawag ang parents namin at dederetso daw ang mga ito dito. Binubulaga nito ang bata habang karga-karga ko. Tawang-tawa naman ang pamangkin ko sa ginagawa nito. Napapalakpak pa talaga ito sa tuwa. “Cancelled ang meeting, so I bought you flowers instead. I know you like it!” Napasimangot ako sa sinabi nito. Ang feeler talaga ng lalaking ito. “I told you not to buy flowers for me.” He smiled pakatapos ay lumapit sa akin at bumulong. “Sus, kilig ka naman diba? Kaya okay lang yan, princess. Kapag sinagot mo na ako hindi na kita bibilhan, promise. So, if you really wanted me to stop givi

