EIRIE'S POV Pagkatapos akong maihatid sa bahay ni Ashley ay kaagad akong napasalampak sa kama at pumikit. Sobrang daming nangyari ngayong araw at ayoko nang maalala pa ang mga nalaman ko. Sobrang sumasakit lang ang ulo ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Rafael, idagdag pang narinig lahat ni Yuri ang pag-uusap namin. Paano nalang kapag nalaman ni Zane na may gusto sa akin ang kaibigan niya? Paniguradong magkakagulo lang dahil nakita ko na kung paano magselos si Zane at gagawin ko ang lahat para lang huwag siyang bigyan ng rason na magselos. Kinabukasan ay naramdaman ko nalang na sobrang sakit na pala ng ulo ko at mukhang nilalagnat yata ako. Hindi ako makabangon sa kama dahil sa sobrang pagkahilo ko. May kumatok sa pintuan ko kaya bumangon ako kahit medyo nahihilo pa rin ako at binuksan

