EIRIE'S POV "A-Ano? Nagbibiro ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas na kilay niyang sabi. What the heck is happening right now? Bakit ngayon sinasabi sa akin ng mga kaibigan ni Zane na gusto nila ako? "Hindi ka nakakatuwa!" Umiiling kong sabi. Ngumiti lang naman siya at tumango pagkatapos. "It's your fault anyway so take the responsibility." Ano daw? Ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit nagkagusto siya sa akin? Siraulo ba siya? "Hey! For your information, hindi ko ginustong magkagusto ka sa akin. Saka anong sinasabi mong responsibilidad kita? Buntis ka ba?" Sa sinabi ko ay bigla siyang tumawa at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba doon. Para bang masarap sa pandinig ko 'yung pagtawa niya pero teka.. bakit ko ba ina-admire pati ang pagtawa niya? Baliw 'tong l

