THIRD PERSON'S POV Halos magwala na si Ashley dahil sa ibinalita sa kanya ng kaibigan niyang si Sandra. Nakita raw kasi nito sina Yuri at Eirie na magkasama sa mall na kumakain sa loob ng restaurant. Sa inis ni Ashley ay naibato na niya ang cellphone niya sa sahig saka ito nagpunta sa kwarto ng kapatid niyang si Rafael. Naabutan niya ang kanyang kapatid na natutulog pa rin kahit mag-aalas onse na ng gabi. Napapansin ni Ashley na napapadalas na ang pag-iinom ni Rafael at hindi na rin ito umuuwi sa sarili nitong condo. "Raf, wake up you douchebag!" Inis na sabi ni Ashley habang ginigising niya si Rafael na nakadapa habang natutulog at wala itong suot na pang-itaas. Tanging boxer shorts lang ang suot nito. "f**k! What do you want?!" Tugon naman ni Rafael na tila nainis sa paggising sa kan

