REESE' POV I can't control my emotions right now. Naiinis ako na nagagalit sa sarili ko. Sana nung umpisa pa lang ay si Sky na ang pinaniwalaan ko. Sana ay hinayaan ko muna siyang magpaliwanag sa nagawa niya. Sana ay hindi na ako nakipaglapit pa kay Austin dahil sa mga ginagawa niya sa akin noon. Niloko niya ako at pinaikot sa mga kasinungalingan niya. He even used his cousin to get me. How cruel he is? Hindi ba niya matanggap na si Sky lang talaga ang mahal ko? Bakit ba pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin? Maraming babaeng nagkakandarapa para sa kanya pero bakit sa akin pa siya nagkagusto? Sa akin na may mahal nang iba at iyon ay si Sky? Walang pag-aalinlangan na sinugod ko si Austin mula sa mansyon nila. Mabuti na lang at pinapasok kaagad ako ng security guard nila at

