EIRIE'S POV Ngayon ay kasama ko dito sa loob ng bahay ang bestfriend kong si Sarah at ikinikwento niya 'yung lalakeng nahuli niyang nakatingin daw sa akin noong magpunta kami sa mall para gumala at mamasyal bilang bonding naming magkaibigan. That was 3 weeks ago. "Sayang at hindi mo napansin 'yung guy na 'yon, Eirie. He's very handsome and hottie and I think type ka nun!" Sabi niya sa akin saka ito ngumuya ng kanina pa naming kinakain na potato chips. Umiling naman ako sa sinabi niya and I shrugged. "Kung sinuman 'yon ay sa'yo na 'yon saka may Zane na ako, no. Sasagutin ko na nga siya." Sabi ko naman habang nakangiti. She just rolled her eyes. "Yeah, pero kahit gwapo pa 'yung lalakeng nakatitig sa'yo sa mall ay hindi ko type 'yon. Mas type ko pa rin 'yung sexy brother mong si Eros, e!"

