REESE' POV Kakauwi lang ni Sky galing sa trabaho niya at nandito kaming dalawa sa living room at nagmomoment. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakbay naman siya sa akin at pasimple akong hinahalikan sa noo. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ang taong mahal ko. We're too young to get married but I know that Sky is the only man I want. "Babe, kumusta na 'yung trabaho mo?" Tanong ko kay Sky na busy sa paghawi ng buhok ko. "Hmm. Its okay. How about you? Are you alright in our house? Nahihirapan ka ba sa mga gawaing-bahay? Si Manang Gina na lang ang bahala sa lahat kung hindi mo kaya." Nag-aalala naman niyang tanong. I shook my head. "Okay lang ako saka hindi naman ako nahihirapan sa pagtulong kay Manang Gina sa mga gawaing bahay. Marunong na kaya akong maglaba at maghugas.

