AUSTIN'S POV Hindi ako makapaniwala na ikakasal na si Reese sa bestfriend niyang si Ryu. Usap-usapan sila sa buong YGA at sa pambabasted rin ni Reese kay Sky. Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang akala ko ay si Sky ang gusto ni Reese base sa mga napapansin ko pero alam ko rin kung gaano kabaliw at kaobsess ang Ryu na iyon kay Reese. Baka naman ay may ginawa ang lalakeng iyon para siya ang piliin ni Reese? Hindi na talaga ako magtataka kung mangyari man iyon. Nasa may basketball gym ako at busy sa pagpapractice ng basketball nang makita ko sina Lian at ang isang kasamahan ni Sky sa basketball team nila na sa pagkakaalam ko ay Niccolo ang pangalan. Sa mukha pa lang ng Niccolo na ito ay mahahalatang suplado rin siya katulad ni Sky. Walang ekspresyon ang mukha niya at parang hindi niya al

