“Tagay lang tayo ng tagay!” masiglang sabi pa ni Mang Kanor na itinaas pa ang bote ng alak na kanyang tinutungga. Halos sabay naman na itinaas din ni Mang Ipe at Ferson ang kanilang mga bote at nakipag cheers pa sa kanilang among lalaki na nagdidiwang dahil nga malaki raw ang napanalunan sa sabong gamit ang kanyang mga mahal na manok. “Marami pa kayong magiging balato kung panay paldo ang mga manok ko sa sabungan. Kaya naman galingan mo lagi sa pagpapakundisyon sa mga alaga mo, Ipe,” wika ni Mang Kanor sa trabahador na nag-aalaga na sa kanyang mga hayop. “Wala naman akong ibang ginagawa, Mang Kanor. Normal lang din na pag-aalaga ang ginagawa ko sa mga manok niyong sa palagay ko ay swerte talaga sa inyo at nakatakda na maghakot ng maraming panalo,” ang mapagkumbaba na sagot ni Mang Ipe n

