JANE POV Tatlong araw ang nakalipas, hindi pa rin ako lubos makapaniwala na nagawa kong banggitin ang pangalan ni Kevin sa harapan ni Mr. Charles, naiinis lang ako sa sarili ko dahil sa labis na kahihiyan. At kagaya ng nakagawian ko, muli na naman akong nagsinungaling sa kanya. Hindi ko nga alam kung ginagawa ko nang tanga itong si Mr. Charles. Nininiwala pa kaya siya sa akin? Ano kaya ang laman ng isip niya habang nagsisinungaling ako sa kanya? At paano naman kaya si Kevin? Kamusta kaya siya ngayon? Habang abala ako sa pag iisip habang nandito ako sa kama, isang tawag mula kay Shaina ang natanggap ko sa bagong phone ko na ibinigay sa akin ni Mr. Charles. Kaagad ko namang sinagot ang tawag niya sa akin, "Oh ano kamusta?" "Ate? Nasaan ka ngayon?" tanong niya. Napa hinga na lamang

