JANE POV Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ay umuwi na kami. Kinagabihan naman, muli akong nakatanggap ng text galing kay Shaina. "Oh anong problema?" tanong ko pa sa kanya. "Ate..." parang feeling ko ay naiiyak si Shaina bigla sa nangyari. "Oh ano ngang nangyari?" tanong ko ulit sa kanya. "Eh kasi! Dinala na ni mama rito yung lalaki niyang si Alvin! Ang sabi sa akin ni mama, matagal na raw sila nito. Bago raw sila nito maging mag boyfriend, hiwalay na raw siya kay papa kaya ang sabi niya sa akin, hindi raw iyon klase ng cheating!" "Aba palusot pa siya ha! Sige, hayaan mo, ako ang bahala sa kanya!" "Teka lang ate-" Suddenly, feeling ko ay biglang mayroong umagaw ng cellphone ng kapatid ko. "Hoy Jane! Para sabihin ko sayo, anak lang kita at wala kang karapatan para parata

