JANE POV Natutulala na lamang ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko na ang galit ng isang Mr. Charles sa buhay ko. At ngayon, nandito ako ngayon sa luma niyang bahay. Nakagapos ang mga kamay at paa naming dalawa ni Kevin. Tila ay wala nang pakialam pa sa akin si sir Charles base sa mga titig nito sa akin. "Ano ha? Ang akala niyo ba ay habangbuhay ninyong maitatago ang buong katotohanan ha? Magpasalamat nga kayo at ganyan lang ang ginagawa ngayon sa inyo nitong ni sir Charles dahil baka may mas malala pa jan lalo na sayo Jane! Magpasalamat ka at may bata jan sa sinapupunan mo dahil iyan ang dahilan kung bakit nagtitimpi si sir Charles!" "Manang, tama na yan!" sambit naman ni Sir Charles na bigla na lamang dumating. Ang seryoso ng tingin niya sa akin,

