JANE POV Hays! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, sa totoo lang! Ang hirap lang na nandito pa nakatira ang taong sobrang iniiwasan ko. Sa dinami rami ng tao sa mundo, bakit si Kevin pa talaga ang hinired ni sir Charles? Sinadya niya ba itong mangyari? Pero hindi eh! Bukod sa pamilya ko, wala namang ibang nakakaalam tungkol kay sir Charles. Kaya nahihiwagaan ako kung paano ito nakarating kay Kevin. At ang pinaka kinakatakot ko sa lahat, nahahalata na yata ni Manang na para bang may something na raw kaming dalawa ni Kevin. Kapag nagkataon na nabuking na dati kaming magkarelasyon, siguradong katapusan ko na ito! Sigurado ako na mayayari ako kay sir Charles sa dami ng atraso ko sa kanya. Kaya naman dahil sa aligaga ko ay napatawag ako kay Shaina kahit na hating gabi na. Mabil

