Kinaumagahan ay agad ko hinanda na ang mga sangkap na aking lulutuin para sa pag punta ko sa office ni kuya. Balak ko ipag luto siya ng sinigang at chicken curry. kasi sabi ni mama ay isa iyon sa paborito niya. Nag gawa rin ako ng fruit salad para sa kanya para mas maenjoy niya ang pag kain. " Iha, ano iyang ginagawa mo? Kami na riyan, " "Naku nanay merlyn , ako na poh dito . Gusto ko po kasi ipag luto si kuya." "Ang kuya mo? Hindi ba sa condo iyon uuwi?" "Ahhh, nanay, may kasalanan kasi ako sa kanya , isa pa alam ko poh na galit na galit siya sa akin kaya ayaw niya umuwi . Kaya ito gumagawa ako ng peace offering sana lang tanggapin niya, balak ko poh dalhin ito sa office." "Ganoon ba.. wag kang mag alala tatanggapin niya iyan isa pa niluto mo iyan eh.. mahilig iyon sa lutong bahay

