Chapter 6
➡️Kiss⬅️
"Iha, kamusta kana?" Nakangiti wika ni mama ng salubungin ako nito sa aming sala.
"Mabuti at nakauwi na kayo, na mis ko poh kayo"
"Naku parang 3 days lang naman tayo hindi nag kita.
Kamusta nga pala kayo ng kuya mo dito.?"
Tipid na ngumiti ako kay mama bago ko sinagot ang tanong niya.
"Ahhmmm.... Ok naman poh kami, dito ma." Nakangiti wika ko
Ang totoo niyan , matapos ng party namin ay hindi na kami nag kita pa ni kuya david.
Siguro dahil bukod sa iniiwasan ko siya ay umiiwas rin siya sa akin.
Ilang araw na rin ako nag lilinis ng buong bahay at nag luluto ng kakainin namin ni kuya , dahil ngayon pa lang din nag datingan ang mga katulong galing sa kanilang bakasyon.
Kahapon ay nag laba na ako ng damit ko at damit ni kuya david.
Grabe din ang naging pagod ko sa tatlong araw na iyon dahil lahat ng gawain ay ako ang gumagawa.
Bago ako pumasok ay nag lilinis at nag luluto na ako ng pag kain namin ni kuya . At sa hapon naman ay uuwi ako ng ten pm ng gabi imbis na mag pahinga ay nag iimis pa ako ng kalat sa kusina at mga pinag inuman ng alak ng mgaling ko kapatid na hilaw.
Sa madaling salita ay naging instant maid niya ako sa loob ng tatlong araw. Hindi ko nga alam kung talaga sinasadya niya ako pahirapan sa loob ng tatlong araw na iyon .
Sa totoo lang gusto ko na muna manuluyan sa mga kaibigan ko para makaiwas ako sa sobrang pagod . pero naisip ko na baka magalit si mama pag ginawa ko iyon.
"Anak may mga pasalubong nga pala ako sayo."
Wika ni mama sabay abot ng ilang paper bag na agad ko naman din tiningnan ang laman.
"Wow, ma, ang ganada naman ng mga ito."
"Wala iyon anak , siya nga pala ang kuya mo nasaan ? Alam naman niya uuwi kami ng tito vic mo. Bakit wala a siya?"
"Naku ma, baka poh nasa kwarto niya , baka lasing na naman si kuya ."
"Hi , iha kamusta?"
" Tito, vic ok, naman poh ako kayo poh kamusta poh kayo?"
"Ok , naman nakuha mo na ba ang iyong mga pasalubong namin ?"
"Yes, tito ang dami nga poh ehh ,"
"Dad!" Wika ni kuya habang pababa sa mataas na hagdan.
"Iho, kamusta na ? Ok naman poh dad , siya nga pala iho kamusta na siya?"
"Ok naman dad , tulad ng sinabi ninyo ay nasa bodega siya ngayon."
"That's great. Pupuntahan ko siya mamaya matapos natin kumain."
"Ma, ano poh pinag uusapan nila? Sino nasa bodega?"
"Ahhh, wala iyon anak wag mo na lang intindihin ang pinag uusapan nila. "
Tipid na wika ni mama sa akin saka ibinaling ni kuya at tito ang tingin nila sa akin na lubos ko ipinag taka.
"Iha, mabuti pa pumunta na tayo doon dahil nakahanda na ang tanghalian natin."
Naka ngiti wika ni tito sa amin.
Pag dating namin sa dining area ay tahimik na pinag saluhan namin ang aming tanghalian ng mag salita ulet si tito.
"Iho, iniimbitahan nga pala tayo ni mr, salvation sa kanya. B-day party.
Nais ko isama mo si rica doon para makilala siya ng mga kaibigan natin.
Hindi kami makakadalo ng mommy mo dahil may pupuntahan kami , kaya nais namin na kayo na lang ang mag punta doon.
Napatingin ako kay kuya na mukha hindi nagustuhan nito ang naisip na iyon ni tito. Tumingin ito sa akin pero seryoso lang at walang emosyon ang mukha niya.
"Pero dad meron na ako kasama sa pag punta doon.
Pwes , i cancel mo ang date mo dahil si rica ang makakasama mo doon."
"Ahmm, tito kaylangan poh ba ako doon ?"
"Yes, iha! Gusto ko makilala ka ng mga kaibigan ko bilang isa sa anak ko."
"Kung ganoon poh pwede ba mag sama na lang ako ng iba sa party na iyon?"
"Ha? Bakit naman andiyan naman ang kuya mo."
"Pero tito ang sabi poh niya may date na siya , kaya naisip ko na mag sasama na lang ako ng date ko."
Napatingin ako kay kuya na lalo nag dilim ang mukha nito dahil sa sinabi ko.
"So... Iha ibig ba sabihin niyan pumapayag kana makipag date sa iba?"
"Ahh, hindi poh tito, kaibigan ko poh siya, at isa pa matagal na siya nanliligaw sa akin . Naisip ko lang poh na siya na lang ang isama ko tutal maatagal ko na siya kilala at palagay na ang loob ko sa kanya . Comfortable na poh ako sa kanya kaya siya na lang poh ang isasama ko."
"No! Ang sabi ni dad ay tayo ang mag kasama doon kaya no choice ka kung iyon ang gusto niya mang-yari."
"Pero sabi mo kanina may date ka hindi ba?"
"Pwede ko naman i cancel ang date ko."
"Iho , kung iyon ang gusto ng kapatid mo sige pumapayag na ako iyon na lang ang sundin natin."
"No , dad , hindi ko gusto na kung sino sino ang makakasama niya sa gabi na iyon. Hindi lang ako mapapalagay kaya ako na lang ang bahala sayo." Seryosong wika nito. Napasimangot naman ako sa pabago bagong isip nito.
Matapos namin mag tanghalian ay nag kulong na lang ako sa aking Kwarto para mag pahinga .
Nasa ganoong sitwasyon ako ng may bigla kumatok sa aking silid kaya dahan dahang binuksan ko iyon.
Ang nakangiti mukha ni mommy ang agad ko nakita habang may kasunod naman siyang dalawang katulong.
"Mommy, ano ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang iabot sayo ang gown na susuotin mo sa party bukas , "
Nakangiti wika nito.
"Mom, nag abala pa kayo hindi na naman kayo dapat nag abala pa eh,".
"Ano kaba ito ang unang pag kakataon na aatend ka ng ganitong party, kaya hindi kita pwede pa bayaan isa pa makakasama mo doon ang mga bigating buessnesman kaya dapat lang presentable ka.
Alam mo ba nag pasama pa ako sa kuya mo?"
"Kay kuya?"
"Yup, ayaw mo kasi lumabas ng kwarto kaya naisip ko b.c ka kaya nag pasama na lang ako sa kuya mo. Tingnan mo ito anak sigurado magugustuhan mo.
Alam mo ba si kuya mo ang pumili niyan para sayo? Gusto pa nga niya bayaran kaso sinabi ko ako na lang ang mag babayad dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito. Lalo na at hindi man lang kita na bilhan ng mga damit mo noon.
Karamihan sa mga damit mo noon luma at bigay ng mga kapit bahay at tyahin mo . Kaya ito oh.. ako ang bumili niyan para meron ka maisuot bukas."
Napangiti ako sa sinabi ni mama at agad na niyakap ito . Hindi ko na rin napigilan na kumawala ang mga luha sa aking mga mata . Napakaraming nasayang na panahon na hindi kami nag kasama ni mama kaya nang hihinayang ako sa mga panahon na wala kami sa isa't isa .
"Oh, bakit ka umiiyak?"
"Wala poh ito ma, masaya lang ako mag kasama na tayo muli."
Ngumiti ito at muli ako niyakap ng mahigpit.
"Syempre masayang masaya rin ako nakasama ko ang nag iisang prinsesa ko."
Siya , nga pala ito sandals mo galing ito sa kuya mo, grabe kamahal ng sandals na iyan kaya ingatan mo! si kuya mo pa ang bumili niyan."
"Poh si kuya?"
" Uo sabi ko nga ako na mag babayad kaso ayaw ng kuya mo. Sabi niya siya na raw ang bahala diyan.
Alam mo feeling ko magiging spoiled ka sa kuya mo."
"Ma! Paano naman mangyayari iyon ? hindi naman kami tunay na mag kapatid."
"Anak hindi ka man niya tunay na kapatid pinararamdam naman niya na mahal ka niya."
"Ma, bakit ba billib na bilib kayo sa kanya."
"Kasi mabait siya anak at nakikita ko mahal ka niya , kahit hindi kayo tunay na mag kapatid."
Ngumiti ako ng tipid kay mama at minabuti na lang buksan ang kahon na nag lalaman ng damit na binili ni mama sa akin.
At halos malaglag ang panga ko ng makita ang gown na binili ni mama sa akin.
"Oh my god.. ang ganda! Sakin ba talaga ito?" Uo naman anak hindi ba at ang ganda ng pinili ni kuya mo sayo, nagustuhan mo ba?"
"Opoh , ma, parang hindi ko yata kaya mag bihis ng ganito ka ganda."
"Pwes kayanin mo anak dahil hindi basta basta ang mga tao kakaharapin mo sa party na iyon anak."
**********
Kinaumagahan ay hindi na ako pumunta sa part-time ko at nag sabi na lang ako may mga aasikasuhin ako .
Ngayon kasi ang party na sinabi ni tito sa amin . Pag dating ko sa bahay ay naroon na ang dalawang bakla na siyang mag aayos sa akin.
Pag dating ko sa aking silid ay naligo na agad ako at ng matapos ako ay saka ko pinapasok ang dalawang bakla na siyang mag aayos sa akin.
"Naku madam ang ganda mo na naman pala hindi na namin kaylangan mag pakaeffort dahil natural na ang ganda mo.
Sa tingin ko lalagyan ka na lang namin ng kaunting makeup para mas gumanda ka! pero hindi ka namin bibigyan ng masyadong heavy make up kasi gusto ko lang mailabas mo ang ganda mo kaya konti lang ang iaaply ko ."
"Sige, poh bahala poh kayo kung ano sa tingin ninyo ang mas makabubuti sa akin."
Tulad nga ng sinabi nila ay nilagyan lang nila ako ng light make up at inayos ang aking buhok .
"Wow , madam ang ganda ganda mo na! i'm sure hahangaan ka nila pag nakita ka nila."
Wika ng isang bakla sa akin.
"Salamat dito huh.." "naku wala poh iyon. Trabaho poh namin yan kaya hindi ninyo kaylangan mag pasalamat"
"Gusto mo ba tulungan kana namin mag bihis?"
"Naku , hindi na kaya ko na ito diyan na lang kayo."
"Hoy! Bakla tumigil ka nga ano sina sabi mo tutulungan mo! manahimik ka nga diyan ! baka bigla ka maging lalaki pag nakita mo ang katawan ni madam, baka nakakalimutan mo lalaki ka parin."
"Lalaki na wala ng ano ! Alam mo na iyon." Natatawang sabi ng bakla kaya napatawa ako sa kakulitan ng mga ito.
*******
Matapos ko mag bihis ay lumabas na agad ako ng pinto at pareho sila nagulat ng makita ang suot ko gown .
Isang tube gown na fitted hanggang sa ibaba ng sakong ko ang gown . may mahabang slit siya sa gilid noon at kita rin ang aking tiyan .
Dahil may kalakihan din ang aking dibdib ay halos pumutok na iyon sa suot ko tube . Kaya kitang kita ang cleavage ko.
Maganda rin ang pag ka - curve ng baywang ko at may kalakihan rin ang balakang ko.
Kaya may katambukan rin ang aking pw*tan.
Hindi naman sa pag yayabang pero biniyayaan talaga ako ng perpektong katawan kaya hindi nakapag tataka na maraming nag kakainterest sa akin.
Kaya sa tuwing pumapasok ako sa school mas gusto ko mag suot ng pantalon at over size t-shirt. Kaya lang pag nag kakaroon ng event sa school ay napipilitan ako mag suot ng mga formal na damit dahil ayoko naman maging kahiyahiya sa paningin ng lahat .
"Wow... madam ang ganda naman ng gown mo at bagay na bagay sayo parang sinukat ."
"Salamat ,"
"mabuti pa suotin mo na rin ang sandals mo oh, para kang si Cinderella dito! ang ganda at ang lalaki ng bato."
"Pwede ba wag na lang yan ang suotin ko may isang sandals pa ako diyan."
"Bakit madam ang ganda nito bagay ito sa gown mo."
"Parang hindi ko kaya suotin yan,masyado mataas at isa pa parang nakakahiya itapak sa lupa yan ,mukha mamahalin at parang hindi ako magiging comfortable diyan."
"Sayang naman ito madam, pero kung yan ang gusto mo edi sige, " nakangiti wika nito at agad kinuha ang sandals ko at iyon ang pinasuot sa akin.
Matapos ko maisuot iyon ay nakarinig na kami ng malakas na katok mula sa pinto. kaya agad iyon binuksan ng isang bakla.
Pag kabukas noon ay narinig ko na agad ang boses ni kuya.
"Tapos na ba siya?"
"Yes , sir ! "
"Nasaan siya?"
"Andito ako ! " Bigla sagot ko sa kanya .
Binigyan naman ako ng dalawang bakla ng daan kaya agad tumambad sa akin ang napakagwapo ko kapatid .
Naka suot siya ng black toxido na bagay na bagay sa kanya .
Kaya hindi ko maiwasan hangaan siya dahil bagay na bagay iyon sa kanya, lalo na at kitangkita ang matipunong panggangatawan nito.
Tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kanya lalo na at pinasadahan ako ng tingin nito.
Buong paghanga niya ako tiningnan base sa nakikita ko sa kanyang mukha.
"Kuya, ok ka lang ba?"
Takang tanong ko ng makita ko natulala siya ng makita ako.
"I'm sorry, you look so perfect tonight , and i'm sure that you are the most wonderful girl tonight."
Nakangiti wika nito malayo sa nakilala ko kuya noon.
Tipid na ngumiti ako sa kanya dahil halos mag wala na ang puso ko sa saya sa sinabi niyang iyon . Bukod doon ay nakita ko pa ang pag ngiti nito sa akin na hindi naman niya ginagawa noon. Siguro nawala siya sa sarili niya kaya bigla na lang ito ngumiti sa akin .
"Ok kana ba? Pwede na ba tayo umalis?"
"Ahh, uo kuya."
Agad ako humakbang palabas ng kwarto ko ng bigla nitong hinawakan ang braso ko.
"Wait, bakit hindi mo suot ang sandals na binili ko."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko mapakunot ang noo nito.
Nakita ko muli ang matalim na tingin nito sa akin saka ako napatingin sa paa ko.
Napakamot ako sa sintido ko bago ko siya tiningnan.
"E... Kasi masyadong maganda ang sandals na iyon parang hindi ako comfortable itapak sa lupa iyon."
"Ganoon ba , kung wala ka plano isuot iyon ipatapon mo na lang ."
"What seryoso?, naku kuya, sayang iyon ! kung itatapon mahal pa naman iyon."
"Kung wala ka balak isuot itapon mo na lang bibilhan kita ng bago ."
"Pwede bang ibenta ko na lang iyon?"
"Ibenta? Sino naman ang bibili ng sandals na iyan? na nag kakahalang tatlong million."
Napakawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na tatlong million ang halaga ng sandals na iyon.
"At sa tingin mo papayag ako ibenta mo yan ? Balak mo ba gawin katawatawa ang pamilya natin? Baka isipin pa nila nag hihirap tayo."
" Sige na nga isusuot ko na lang, kesa ipatapon mo yan! Nakasimangot na wika ko at muli pumasok sa loob ng kwarto.
Pag dating ko doon ay kinuha ko ang kahon ng sapatos at naupo sa kama para isuot ang sandals.
"Madam gusto mo kami ba ang mag suot niyan."
"Sig-"
"No, ako na !" Wika ni kuya david.
Kinuha nito ang kahon sa kamay ko at kinuha mula sa loob noon ang sandals na binili niya at itinukod ang isang tuhod niya sa sahig .
Dahandahan hinubad nito ang sandals ko at saka niya dahan dahang isinuot sa paa ko ang sandals na binili niya sa akin.
Pakiramdam ko tuloy ay biglang huminto ang oras at bigla bumilis ang t***k ng puso ko na parang may nag kakarera kabayo doon.
Pinigil ko ang pag hinga ko ng makita ko nakangiti tumingin. Ito sa akin .
Pakiramdam ko ay nasa fairytale ako ni cenderella at ako ang bida babae doon.
"Bagay na bagay sa paa mo ang sandals ." Nakangiti wika nito kaya agad namula ang mukha ko sa sinabi nito.
Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko at doon ko lang napansin nakatayo na pala ito sa harap ko .
Agad ko tinanggap iyon pero ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.
Kaya ng tumayo ako ay bigla na lang ako nawalan ng balanse kaya muntikan na ako matumba .
Buti na lang ay nasalo ako nito.
Pero hindi ko sinasadya ang bigla pag lingon ko sa kanya kaya agad nag kasagian ang mga labi namin.
Hindi ko naman kasi alam na malapit lang pala ito sa akin.
Kaya pareho kami nagulat sa nang-yari kaya mabilis ako lumayo sa kanya.
"I'-m s-orry hindi ko alam sobrang lapit mo pala "
"Ah,-eh,o-k lang hindi ko rin naman alam na lilingon ka bigla. Utal na wika namin sa isa't isa kaya agad kami napalingon sa paligid .
Buti na lang at abala ang dalawang bakla sa pag aayos ng gamit nila kaya wala rin sila nakita sa nang-yari.