Janelle's POV Gumising ako ng maaga para makaalis ako agad. Gusto kong puntahan ang lugar na kung saan ko sya nakita. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis na hindi nila ako namamalayan. "Maam may ipapabili ka ba kasi pupunta kami ng palengke," sabi ng kasambahay namin. "Ah oo gusto ko po ng fruits. Si Conrad at mga bata po nasaan?" taong ko. "Maagang umalis maam si Sir Conrad at ang mga bata naman po pinapaarawan sa garden ng mga kaibigan mo. Hindi ka na ginising kasi para makapagpahinga ka pa," paliwanag nito. Nagmadali akong umakyat at kinuha ang wallet ko. Pumunta ako sa likuran at dumaan sa may kusina para pagbukas ng gate lalabas agad ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawin pero kailangan makatiyempo ako na walang nakatingin. Nagsign of the cross pa ako. Bumukas ang gate, nakit

