Nang dumating kami sa party, masaya kaming binati ng mga kaklase namin. May mga nakita din ako na taga ibang section. "Para pala itong reunion sabi ni Kriselda. "Hi Janelle, ipakilala mo naman kami sa kasama mo," pacute na sabi ni Mimi, ang muse ng klase namin noong highschool kami. "Naku sabi ko na nga ba at ikaw talaga ang kukuha ng atensyon ng mga chicks dito. Tingnan mo o lahat sila nakatingin sa'yo," bulong na sabi ko dito. "Mga bulag ata ang mga 'yan," ismid na sabi ni Kriselda. Lumapit kami ng makita namin ang birthday celebrant. "Wow welcome mabuti naman at nakarating kayo!" masayang bati sa amin ni Nancy pati ng husband nito na si Frank. Masaya itong kinamayan kami ay hinatid sa table namin. "Ang gara naman ng party mo Nancy, parang alumni lang ah hahaha," masayang sabi ko dito. I

