Chapter 2

1105 Words
Lorcan's POV Naisipan kong magcutting ngayon, nakakatamad pumasok sa history class para sa akin. Nakakatakot bumalik sa nakaraan 'no! Andito nga pala ako sa fire exit ng school, akalain mo nga naman sa laki ng school na ito, pwede ka magcutting kahit saan. "HAAAAAAAAAAAY!" singhal ko ng pagkahaba-haba. "Sino yan? Sinong andiyan?" tinig yun ng isang babae, mukhang nagcutting rin ang isang to ha. Manigas ka kakatawag sakin, batid kong nasa baba ito ng hagdan na kinauupuan ko. "Awoooo~" pananakot ko. Pero nainis ako nang pagtawa ang naging sagot niya sa akin. Aba tarantado to ha! May pangaasar sa tawa niyang yun. "Mukha kang asong umaalulong ulul! Hahahahahahahaha!" aniya. Tangina! Kahit lalake ako sasabunutan ko ito. Pag eto kinantahan ko, hahanapin ako neto. Sino ba namang babaeng hindi ko mapapaibig sa boses ko diba? Tch. Ako lang ito oh. Nagsimula na akong kumanta at sa hindi ko inaasahang may paang paakyat sa kinaroronan ko. Mabibigat ang kanyang hakbang. ♫ Kumupas na lambing sa iyong mga mata, Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama. May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita, Bakit kaya? Parang hindi ka na masaya. ♫ Habang palapit eto ng palapit ay hindi ko maiwasang wag kabahan. ♫ Ika'y biglang natauhan, Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam. Ang sabi ko hindi kita mamimiss, Hanggang kailan ito matitiis. ♫ Fan na fan talaga ako ng kamikazee, ewan ko ba. Halos lahat ng kanta nila ay nasaulo ko, dahil na rin siguro sa kaadikan at walang sawang pakikinig ko dun. ♫ Ika'y biglang natauhan, Umalis kaagad nang wala man lang paalam. 'Pag nawala doon lang mamimiss, Hanggang kailan ito matitiis. ♫ Yun na ang huling linyang nakanta ko ng may biglang kumalabit sakin at aligaga akong lumingon at yun pa ang- History teacher namin!!!!!! "Iho, bakit hindi ka pumasok sa klase ko? At andito ka?" hindi man lang ba siya magagalit? Ang hinahon ng pagkakasabe niya. "Ah opo." wala sa sariling sagot ko, paano ba naman kasi nakakapressure. Pero wala namang nakakapressure dun? Ah basta! "Ang tinatanong ko kung bakit hindi ka pumasok, Iho. At bakit ka andito sa fire exit?" paguulit niya pa. Nagisip ako ng maidadahilan ko kung sakali man. "Masakit po kase yung tiyan ko." sana ay makumbinsi ko siya. At hinanap niya ba talaga ako dito? Gagi! Ang talas naman ng pandinig at mata neto. Siguro na sa mga 50+ na siya. Ewan ko bakit ay ayaw niya pang magretiro sa pagiging guro. Nasapo ko ang ulo ko ng maalala kong lagi nga pala akong kumakanta sa klase niya, kaya naman pala nahanap niya ako. Hay bakit ba minsan ang tanga mo, Lorcan. "Kung gayong masakit ang tiyan mo, bakit hindi ka sa clinic pumunta?" may pagtataka sa tanong niya, Oo nga naman Lorcan! Dalawa na yun ha! Tangina malas talaga yung babaeng yun, teka. Sino nga pala yun, mahahanap rin kita! "Ah ano po kase, tinatamad po akong pumunta dun. Sorry po." pagkukumbaba ko, nakakakonsensya naman. Nagulat ako ng bigla niya akong tinapik sa braso, atsaka siya tumango sa akin at umalis, at dun naman ako nakahinga ng maluwag. Napagisipan kong tumakbo pababa sa hagdan, para hanapin yung babae pero wala na siya. Aurelia's POV Hingal akong bumalik sa classroom at sinalubong naman ako ni Scarlet. Putangina puro tanong nanaman to eh. "Saan ka galing? Gago ka, hinahanap ka ni ma'am kanina. Nagcutting ka hindi mo dinala bag mo. Bobo mo, ewan ko sayo." aniya. Hala oo nga no? Kasi naman, ayokong-ayoko pumasok kay Ma'am Olivia. At puro tanong nanaman yun sa akin, hindi ako nagaral ngayon. "Hayaan mo na, pwede bang pagpahingain mo muna ako?" pagmamaktol ko. "At bakit ka naman napagod? Saan ka ba galing? At ngayon ka lang? Sino kasama mo?" pagtatanong niya, ang dami-daming tanong. Nakakainis. "Diyan lang sa fire exit." sabay talikod ko sakanya. Hays, salamat naman. At eto nanaman ang isa kong kaibigan, papaulanan nanaman ako ng tanong neto. "Ikaw babae ka, saan ka nanaman galing? Mamaya may jowa ka nanaman ha, kokotongan talaga kita ng malupet lagpas bungo mo." aba'y binatukan pa ako! Nakakailan na to sakin ha, ingay ingay na nga, mambabatok pa. Aba! "Ikaw ring babae ka! Pwede bang itikom mo muna yang bibig mo? Aya Hansley! Ha!" pag sigaw ko sakanya, at hinampas niya naman ako! Talaga naman. "Wag mo ngang masigaw sigaw yung pangalan ko, ambaho eh. Alam mo ba yun?" "Che! Kung nanahimik ka na kase?" "Oo na! Oo na!" sabay talikod niya sa akin, Buti naman at tumahimik na siya. Naalala ko nanaman yung lalakeng maingay sa hagdanan, kalalakeng takot ang tinis ng boses masakit sa tenga ha. -FLASHBACK- Habang paakyat ako ay hindi ko maiwasang wag matakot. Dahil may paang pahakbang na parang palapit sa akin. Pero laking gulat ko rin ng biglang may lalakeng sumigaw. "HAAAAAAAAAAAY!" singhal neto, jusko all this time akala ko multo. "Sino yan? Sinong andiyan?" pagtatanong ko. Pero bigla akong nagulat ng umalulong siya na parang nananakot. "Awoooo~" aniya. Natawa naman ako dahil para siyang asong ulul. At dun na ako nagsimulang tumawa nang tumawa. Atsaka ako biglang nagsalita. "Mukha kang asong umaalulong ulul! Hahahahahahahaha!" Hindi na siya nakasagot. Nagkalikot na lang ako sa phone ko, at may pumukaw ng pansin ko. Hindi ko pa pala nadedelete yung picture namin ni Leo! Putangina, buhay pa kaya to? Dito naman gustong pumunta lagi, sa Enchanted Kingdom. Etong picture ay nasa loob kami ng ferris wheel, nakangiti kaming parehas habang nakaakbay naman siya sakin. Hindi ko naman aakalaing huling pagkakataon na 'to. Akma ko na sanang buburahin eto pero may biglang kumanta. At natuon dito ang atensyon ko. ♫ Kumupas na lambing sa iyong mga mata, Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama. May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita, Bakit kaya? Parang hindi ka na masaya. ♫ Anlamig ng boses niya, eto yung boses na gusto kong pakinggan ng mang ilang ulit. At hindi ako magsasawang pakinggan eto. ♫ Ika'y biglang natauhan, Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam. Ang sabi ko hindi kita mamimiss, Hanggang kailan ito matitiis. ♫ Dun naman ako napatitig sa litrato namin. Where have you been, My love? Dalawang taon na yung sinabe mo sa'king hindi mo na ako mahal, na may mahal ka ng iba. Saan ka na kaya nagaaral? Naalala mo pa ba ako? ♫ Ika'y biglang natauhan, Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam. Ang sabi ko hindi kita mamimiss, Hanggang kailan ito matitiis. ♫ Hahakbang na sana ako pataas ng hagdanan para tignan kung sino yung kumakanta ng natanaw ko ang History teacher namin! Dali-dali naman akong tumakbo pabalik sa classroom. Sino kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD