Elleina Michelle Fuentes's P.O.V
"Sinetch ang pudrakels ng magiging junakis mo?" tanong ni bakla. Nakatingin lang ako sa kanya. Ayoko magsalita. Baka bigla akong umamin at mahimatay si bakla.
"Ellie, si Christian ba?" biglang tanong naman ni Rhea. Agad akong napatingin sa kanya at ganun din si bakla. Alam ni Rhea na mahal ko si Christian atsaka si Christian lang din naman ang palagi kong kasama.
"Hoy, bruhilda! Anetch ang kinokokak mo diyan! Wiz akesha makikipag leptolelang at tusha sa mujer no! Lalo na kay Ella girl, noh! Di kami talo!" sabi ni bakla. Napayuko na lang ako. Siya na mismo nagsabi na di kami talo. Di niya ako papatulan. Sadyang lasing lang kami nun at ako lang itong may nararamdaman para sakanya. Alam ko naman yun eh, di naman ako umaasa eh. Onti lang. Napatulo ang luha ko.
Lumapit si Rhea sakin at niyakap ako.
"Ellie, don't cry... I'm so sorry kung nasigawan kita kanina. Sadyang apektado lang ako sa nangyayari sayo. I've been there, remember? So wag ka ng umiyak. We'll be here for you," sabi niya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. Kagaya ko, nagbuntis din si Rhea, apat na taon na ang nakakaraan. Di siya pinanagutan ng lalaking minahal niya at boyfriend niya noon kaya siguro ganto siya kaapektado. Niyakap ko rin siya pabalik. Si bakla nakatingin lang sakin.
"Ang tanong Ella girl, alam ba ng pudrakels ng junakis mo?" tanong ni bakla. Napatingin ako sa kanya tsaka umiling.
"Di niya alam," sabi ko. Napakunot noo siya at napatayo.
"Sinetch ba yang chipopo na yan? Wala ba siyang balak na panagutan ka?" tanong niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Wala siguro. Di naman niya alam na may nangyari samin eh," honest kong sabi. Tinignan ako ni bakla ng masama.
"Bakit di mo sabihin sa kanya?" tanong niya ulit. Umiling ako.
"Kaya ko naman 'to! Kakayanin ko para sa baby ko. Siya na ang pinaka kayamanan ko ngayon pati si Inay. Kayo rin naman eh, kayamanan ko rin kayo at ayoko kayong mawala sa buhay ko," sabi ko tapos napahawak ako sa tyan ko.
"Aba! Langyang chipopo yun ah! Walang balls! Judenga lang ang peg niya. Tsk..." Inis na sabi ni bakla. Natawa ako. Kung alam lang niya. Bakla naman talaga. Siya kasi mismo eh. Tinignan naman ako ni Bakla at ni Rhea.
"Tinatawa mo dyan? nagagawa mo pang tumawa sa ganyang kondisyon mo?" Naiinis na si bakla. Straight na tagalog at wala ng beki words pag naiinis na siya. Ngumiti lang ako.
"Nagpapakatatag ako para sa baby ko. Nandyan naman kayong dalawa para sakin diba?" sabi ko. Ngumiti si Rhea sakin at napabuntong hininga naman si Bakla.
"Fine! I'll be the second mommy!" sabi ni bakla.
"Ako naman ang ninang!" sabi ni Rhea. Kahit na di alam ni bakla na siya ang daddy ng baby ko alam ko naman na aalagaan niya kaming dalawa.
Christian Stuart Miguel's P.O.V
Papauwi na akembang sa condo ko ng mapadaan akesha sa bar kung saan kaming dalawa lang ni Ella ang magkasama nung nakaraan. First time yon na kami lang dalawa. Dumaan muna ako doon kahit sandali lang. Dumeretso ako sa bar counter.
"Anong order nyo sir?" tanong nung barista.
"Jack Daniels na lang," sabi ko. Shockingness talaga itetch! wizel atashi keri ang nagyayari kay Ella. Kung akembang ang pudrakels nun, shot gun wedding ang mangyayari samin. Waley eh! Nashontis at wit akembang ang pudra. Napabuntong hininga ako.
"Malaki ba ang problema mo?" Ngayon ko lang napansin na may babae na akong katabi. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tsk.. Hipon lang teh. Ganda ng katawan, tapon ulo.
"Pake mo ba? Mag shupi ka nga! Nakakalurkey ka! Akembang di makapag-isip sayo eh!" Inis na sabi ko tsaka inirapan yung babae. Nakita kong nagulat yung babae.
"Bakla ka?" tanong niya.
"Bakit may angal ka, girl? Sorry to disappoint you ah! Kaya shupi na bago pa kita masabunutan ng bonggang bongga!" sabi ko. Umalis naman kaagad yung babae. Nakarinig ako ng tawa sa likod ko. Napalingon ako. Si Keefer pala.
"Anong ginagawa mo dito, bakla?" tanong niya. Di ko siya pinansin at hinarap yung inumin ko. Nagsalin ako sa baso tsaka uminom. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.
"Ikaw, anung ginagawa mo dito?" tanong niya. I rolled my eyes.
"Isn't obvious?" sabi ko. Napatwa siya ng mahina.
"You're pissed. Something happened?" tanong niya. Ngayon lang niya ako tinanong ng gantong bagay. Ano kaya ang sumapi dito at napagkainteresan akong tanungin ng ganto. Napailing ako.
"Wala." tipid kong sagot tsaka uminom ulit. Nakita kong umiling siya.
"Minsan lang ako maging concern, Bakla. Lalo na sayo," sabi niya. Inirapan ko siya.
"No need for your concern, Keefer," sabi ko tapos uminom ulit. Napahalakhak ng marahan si Keefer.
"Parang nahuhulaan ko na ah. I heard from Francis na may bestfriend kang babae, siya ba problema mo?" tanong niya. Napatigil ako sa paginom at tinignan si Keefer
"How'd you know?" tanong ko. Nagkibit balikat siya.
"A guess, maybe?" sabi niya. Tumango ako.
"She's pregnant." Panimula ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya.
"Ikaw ang ama? Sineryoso mo talaga yung sinabi mo kay Lola?" tanong niya. Uminom ulit ako.
"I'm not the father, And I'm serious about what I said last time to loley," sabi ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Then, anong pinoproblema mo dyan? Di ka naman pala yung tatay," sabi niya. Tumingin lang ako sa baso na hawak ko.
"I was wondering who's the father of the baby. Wala siyang boyfriend. NBSB siya. Wala na siyang ibang guy friend kundi ako lang. Tsk. The f*ck that guy!" sabi ko. Shocks. Gulo na utaks ko.
"Oh? Could it be me? You know me. Walang sinasanto, basta babae!" Nakangiting sabi niya. Tinignan ko siya ng super samang tingin na ginagawa ko lang sa mga mujer na inaapi si Ella nung College kami.
"Wag mo akong simulan, keefer. Kundi ililibig kita ng buhay," seryosong sabi ko. Nagtaas na siya ng dalwang kamay means suko na.
"I'm just joking. Chill! Pero, dahil sa sinabi mong ikaw lang ang lalaking kaibigan niya... Diba dapat na suspetsahan mo ang sarili mo kasi ikaw lang ang lalaking kasama araw-araw niya," sabi naman ni Keefer. Napatigil ako. Tama siya. Could it be? Nakipag tusha akesha sa kanya without me knowing it?
What... No!!! I kennot be!!! I kennot be makipag tusha kay Ella girl! Were friends!!! Mahihimatay akembang pag ako ang pudrakels ng junakis niya. Haru jusko! No... Way!!!
"Or masyado kang lasing na lasing nun at di mo matandaan na may nangyari sa inyo. Or dalawa kayong lasing kaya nadala kayo sa init at may nangyari sa inyo. Madaming possible na nangyari, di lang natin alam," sabi niya. Uminom ulit ako. Trulity ang sinasabi ni Keefer. Baka nga. Pero!!! I kennot do that!!! Tumayo na ako at nagiwan ng bayad.
"Aalis na ako," sabi ko at dapat ay iiwan ko na siya. Kailangan kong makausap si Ella girl. Kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mama? Napalingon rin ako ng biglang may nagri-ring din sa gawi ni Keefer. Sinagot niya yung tawag sa kanya at ganun din ako.
"Hello?" ako.
Hello, Christian?
"Ma? May problema ba?"
Ang lola mo...
Napatigilan ko. Parang lahat ng dugo ko nawala sa katawan ko. Nagpunta si Loley ng amerika para magpagamot. Iyong party na ginanap di lang pala para kay tita Leneth, dispedida rin pala yun para kay Loley.
"A-anong n-nangyari, ma?" tanong ko. Nanginginig ang kamay ko.
Inatake sa puso ang lola mo... Ang sabi sakin ng papa mo, sabay-sabay daw kayong magpipinsan na aalis papuntang amerika. Sasabay na rin kami ng mga tita mo.
"Sige, Ma! Pupunta na ako," sabi ko. Lumingon ako kay Keefer at nakita ko rin na nakatingin siya sakin. Nagkatanguan kami at sabay na umalis mula sa bar na yon.
Loley must be okay!
"Baka mamatay na kaya lahat tayo pinapapunta na sa amerika," sabi ni Keefer. Napapikit ako. Pano kung totoo ang sinasabi ni Keefer? Paano kung mamatay na nga si Loley?
No... She can't die! Kailangan niya pa makita ang apo niya sa tuhod sakin... No!!! Loley!!!