"KELAN ka pa naging maglulupa?"
Nakangiting lumingon si Samantha. Naroon si Jefti sa may gate nila, at pinapanood siya.
"Ngayon lang, change of career." Nakangising sagot niya.
"Tulungan na kita," pagboluntaryo pa nito. Hindi na nito hinintay siyang sumagot, basta na lang itong pumasok. Siya naman labas ng Papa niya na papasok na sa trabaho nito.
"Magandang Umaga ho," bati ni Jefti dito.
"Oh Jefti, magandang umaga din sa'yo. Maiwan na kita at ako'y papasok na." wika nito.
"Sige po, ingat."
"Bye Pa!"
Kumaway pa ito sa kanila. Naupo si Jefti sa tabi niya. Tinignan nito ang mga halaman na nasa harapan nila ngayon. Bagong bili iyon ng Mama niya, noon pa man ay mahilig na ito sa mga halaman. Ito mismo ang nag-aalaga ng maliit na garden nila. Dahil nag-deliver ito ng mga kurtinang tinahi nito, kaya sa kanya nito inutos iyon. Hindi naman niya maayos ang paglalagay ng lupa dahil natatakot siyang baka may bulate siyang mahawakan.
"Magaan ba ang kamay mo sa halaman?" tanong niya.
"Palagay mo naman sa akin," sagot pa nito.
Kinuha nito ang mga halaman at ito ang naglagay niyon sa paso pati ang lupa. Habang abala ito. Kinuha ni Sam ang pagkakataon para titigan ito ng malapitan. Bumilis ang t***k ng puso niya ng lumingon ito sa kanya sandali at ngumiti pa.
"Diyan ka lang ah, ako na dito," sabi pa nito.
"Sige, mabait ka naman eh." Biro pa niya dito.
"Tigilan mo 'ko sa pambobola mo, Samantha Lei." Saway nito sa kanya. Tinawanan niya ito.
"Uy 'yung pawis ko, punasan mo naman." Sabi pa nito.
"Sabihin mo lang kung gusto mo ulit akong magbago ng career, mula sa pagiging maglulupa, yaya mo naman. Kailangan talaga Yaya?" reklamo pa niya.
"Ang dami mong sinasabi, 'yung pawis ko." Sa halip ay wika nito.
Kinuha niya ang face towel niya na nakasampay sa balikat niya. Saka dinampi iyon sa noo nito, pababa sa pisngi nito. Nang lumingon ito sa kanya at magtama ang mga paningin niya. Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo. Saka lang niya napagtanto na malapit pala ang mukha nila sa isa't isa. Bumilis ang t***k ng puso niya. Gusto bawiin ang tingin ngunit hindi niya magawa dahil parang nahipnotismo na siya ng magagandang mga mata nito. At gusto niyang malaman, kung may ideya ito sa kakaibang dating ng mga kilos nito sa kanya. Ano nga kayang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong espesyal na ito sa puso niya?
Sinubukan niyang magsalita upang mabawasan ang pagkailang na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ngunit walang boses na lumabas sa bibig niya.
"Sam," anas nito. Seryoso ang mukha nito.
"Ba-bakit?" kandautal na tanong niya dito.
"May sasabihin sana ako sa'yo." Pabulong na sabi nito.
"A-ano 'yon?" tanong ulit niya, habang patindi ng patindi ang kaba niya.
Bumuntong-hininga pa ito. Sabay turo sa may paanan niya.
"Ano 'yang nasa paanan mo?" tanong din nito.
Kunot-noong tumungo siya para tignan ang tinuro nito. Ganoon na lang ang lakas ng tili niya ng makita niya ang bulate malapit sa paa niya.
"Bulate!" malakas na tili niya.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Jefti. Siya naman ay nagtatalon at tumakbo pa palabas ng gate nila na para bang mahahabol siya ng bulate. Hindi na niya alintana kung may paparating bang sasakyan. Maisip pa lang kasi niya ang bulate ay kinikilabutan na siya. At mas matindi ang reaksiyon niya dahil malapit na ito sa paa niya, mabuti na lang at naka-tsinelas siya.
"Hoy! Bumalik ka dito, hindi ka naman hahabulin nito eh!" tumatawa pa rin sabi ni Jefti.
"Tse! Walanghiya ka Jefti! Lagot ka talaga sa akin!" naiinis na tungayaw niya.
Sa inis niya ay lalo itong nang-asar, nagkunwari itong hawak nito ang bulate saka siya hinabol nito habang tawa ito ng tawa. Ngunit sa kanyang pagtakbo, hindi niya namalayan na nakaabot siya sa may kanto ng Tanangco kung saan mas maraming sasakyan na dumadaan. Malapit na kasi iyon sa mismong highway. Nagulat siya ng biglang sumigaw si Jefti maging ang ibang mga naroon.
"Samantha!"
Paglingon niya, isang kotseng mabilis ang takbo ang paparating at nagbabadyang sumalpok sa kanya. Napasigaw na naman siya, ngunit sa pagkakataon na iyon. Dala ng mas matinding takot. Bago pa niya malaman ang susunod niyang gagawin, bigla siyang nilundag ni Jefti. Kaya tumilapon sila at nagpagulong-gulong sa kabilang gilid ng kalsada. Napapikit siya ng mariin.
Nang huminto sila, saka siya dumilat. Saka lang din niya napagtanto ang ayos nilang dalawa ni Jefti. Ito ang nasa ibabaw at yakap siya nito gamit ang isang kamay nito at hawak ng isa ang likod ng ulo niya.
"Okay ka lang?" tanong agad nito.
Kung kanina ay labis na ang kaba niya sa simpleng pagkakalapit ng mukha nila. Ngayon, doble niyon ang nararamdaman niya. Parang nanikip ang dibdib niya. Wala siyang magawa kung hindi titigan ang guwapong mukha nito na balot ng takot para sa kanya.
"Hey, Sam. Talk to me, are you okay?" puno ng pag-aalala na tanong nito.
Napapikit siya. Saka tumango. "Yes, I'm okay." Sagot niya. Pagkatapos ay tumayo na sila. Napaupo sila sa kalsada. Ngayon lang niya mas higit naramdaman ang takot ng nangyari kanina. Ilang sandali pa, may lumapit sa kanila na may edad na lalaki.
"Hijo, okay lang ba kayo?" tanong nito.
Ito marahil ang may dala ng kotseng muntik bumangga sa kanya.
"Opo." Sagot niya.
"Pasensiya na kayo, hindi ko kayo napansin. Bigla kasi kayong sumulpot sa gitna ng daan. Sigurado ba kayong ayos lang kayong dalawa?" paliwanag pa nito.
"We're okay, Sir. And we're sorry for the trouble too." Sagot naman ni Jefti.
Nang makaalis na ang lalaki. Siya naman ang hinarap nito. "I'm sorry, muntik ka ng mapahamak ng dahil sa akin." Malungkot na wika nito.
Hinaplos niya ang pisngi nito. Umiling siya. "No. Walang may kasalanan. Besides, hindi naman ako napaano. Niligtas mo nga ako eh. Pangalawa na 'to." Sabi pa niya. "Ilang beses mo ng nililigtas ang buhay ko. Sobra na 'yon, hindi lahat ng mag-bestfriend nagagawa ang ginawa mo." Dagdag niya.
Hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito. Kinulong nito iyon sa dalawang kamay nito. "Ayokong mawala ka sa akin. I'll do anything just to keep you by my side, Sam." Seryosong wika nito.
"Jefti..."
Matapos marinig ang mga katagang iyon. Nabalot ng saya ang puso niya, kasunod ng sunod-sunod na pagpintig niyon. Hindi niya alam ang dapat isagot dito. She was trapped between the joy and the mysterious feelings inside her. And it was the best feeling ever. Something that she never felt before. Unti-unti, nagkakaroon ng pangalan ang nararamdaman niya para dito. Hanggang sa naging malinaw na nga sa kanya ang lahat.
"Samantha, I don't care any of my riches. You're all I want in my life. Hindi ko kayang wala ka. Gusto ko na ikaw palagi ang kasama ko. Gusto ko na ako ang magpapasaya sa'yo. Please, let me take care of you." Diretso sa mata na wika nito.
Parang gusto niyang mabingi sa lakas ng sigaw ng puso niya. Kasabay ng isang bagong rebelasyon sa buhay niya. She's in love with her bestfriend.
THIRD DATE. Nang magsimula ang oras na kasama ni Sam si Wayne ng gabing iyon, ay naging tahimik na siya. Matapos niyang mapangalanan ang kakaibang damdamin na naging isang malaking kwestiyon sa isip niya para kay Jefti. Agad na nagdesisyon si Sam na ipatigil na niya sa pinsan nito ang panliligaw nito sa kanya. Ayaw niyang bigyan ng maling pag-asa si Wayne, dahil bukod sa kaibigan niya ito. Naging mabait ito sa kanya. Dangan lamang, hindi niya alam kung paano sasabihin dito. Dahil gaya ng dati, masayang masaya ito na nagku-kuwento kung paano nito siya pinagmamalaki sa teammates nito sa basketball.
"It really means a lot if you visit our practice game. I mean, pinagmamalaki kita sa kanila. Sabi ko, I already met the most beautiful woman in my life. And gusto ko naman makilala mo sila. And watch one of my games this week. Ano? Is it okay with you?" excited na wika nito.
Huminga siya ng malalim, pagkatapos, lumingon siya at pilit na ngumiti dito. Naroon na sila sa kotse nito, at pauwi na. Hindi niya nagawang sumagot dito. Alam niyang masasaktan ito sa sasabihin niya, ngunit, kinailangan niyang maging totoo dito.
Pagdating nila sa Tanangco, hindi pa rin siya nagsasalita. Hanggang sa makahalata na si Wayne. Pinarada nito ang kotse sa tapat ng bahay nila.
"Wait, Is there something's wrong? Kanina pa ako kuwento ng kuwento, pero hindi ka naman nagsasalita." Tila nagtatampong wika nito.
Nakipag-unahan ang kaba sa kanya. Pero hindi siya kailangan magpatalo doon dahil kailangan na niyang sabihin dito ang totoo. Hindi kayang magsinungaling ng puso niya. Matapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ni Jefti sa kanya noong nakaraang araw. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya, na maaaring pareho sila ng damdamin nito sa isa't isa.
"Sam," untag nito sa kanya.
Tumikhim siya. "Uhm, Wayne. May gusto sana akong sabihin sa'yo." Pagsisimula niya.
"Ano 'yon? Sasagutin mo na ba ako?"
Umayos siya ng upo, saka bahagyang humarap dito. "I'm sorry, Wayne. Pero hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo." Sagot niya.
Nagbago ang reaksiyon ng mukha nito. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito.
"Pero Sam..."
"Ayokong paasahin ka. Magkaibigan tayo, kaya hindi ko kayang magsinungaling sa'yo. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo. Isa pa, my heart belongs to somebody else." Paliwanag niya.
Binaling nito ang tingin sa labas ng kotse. "Is it Jefti?" diretsong tanong nito.
Bahagyang sumikdo ang puso niya ng banggitin nito ang pangalan ng tinutukoy niya. "Oo," halos pabulong na sagot niya.
"This is unfair," anito.
"What? What is unfair?" naguguluhang tanong niya.
"Hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahal ko sa'yo, and yet you're dumping me! Wala akong laban kay Jefti!" pagmamaktol nito.
"Wayne, hindi mo naman kailangan makipag-kumpitensya kay Jefti! He's your cousin! He's my bestfriend!" depensa niya dito.
"But you love him," mahina ang boses na wika nito.
Hindi siya nakakibo.
"Am I right?" tanong nito. "You're in love with my cousin."
"I, I don't know." Kandautal niyang sagot.
"I knew it." Wika nito.
"Wayne."
"Kahit man lang ba minsan, Sam. Naramdaman mo na hindi lang ako isang kaibigan sa'yo?" tanong ulit nito, saka humarap ito sa kanya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.
"Wayne, bago ang lahat ng ito. Magkaibigan tayo, 'di ba?" sa halip ay sabi nito.
Inangat nito ang mga kamay niya at hinalikan ang likod ng mga palad niya.
"Please, don't do this to me." Pakiusap pa nito.
Umiling siya. "Ayokong lalo kang saktan, Wayne." Aniya.
Binaba nito ang kamay niya, pagkatapos ay kinulong siya sa mga bisig nito. Hindi siya nakakibo, gumanti siya ng yakap dito para kahit paano'y maibsan kahit na konti ang sakit na nararamdaman nito.
"I'm sorry, Wayne. Kung maaari ko lang turuan ang sarili kong damdamin," sabi niya.
"Can't you?"
Umiling siya. "You know, that's not possible."
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Nagulat na lang siya ng biglang ilapit nito ang mukha sa kanya. Hahalikan sana siya nito sa labi, ngunit, mabilis siyang nakaiwas. Kaya sa gilid lang siya nito nahalikan. Narinig niya ng humugot ito ng malalim na hininga. Saka tinukod ang noo nito sa sentido niya.
"I guess, there's no use for this," bulong nito sa kanya.
Tumango siya, sabay layo dito. "Makakahanap ka rin ng babaeng kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay mo. At hindi ako 'yon." Malumanay niyang sabi dito.
"Gusto kong magalit sa'yo, dahil para sa akin unfair na binasted mo ako. Pero wala naman idudulot na maganda ang lahat kahit magalit ako. I guess, hanggang dito lang talaga ang lahat para sa atin. Hanggang kaibigan lang. Okay na rin 'yon, kaysa naman wala." Sabi pa nito.
Napangiti siya. Hinawakan niya ito sa isang pisngi, saka bahagyang pinisil iyon. "Thank you, Wayne." Masayang wika niya.
"Wait, does he know?" tanong nito.
Napakunot-noo siya. "Know what?"
"Ang ibig kong sabihin, alam ba ni Jefti na mahal mo siya?"
"Wala akong sinabing mahal ko siya." Tanggi niya.
"Huwag mo nga akong Pengkumin! Hindi na tayo bata, Sam. Hindi mo naman ako babastedin kung hindi mo siya mahal. Matanda na tayo masyado para sa mga crush. Ano bang akala n'yo walang nakakahalata sa inyong dalawa, na higit pa sa kaibigan ang turing n'yo sa isa't isa." Sabi pa nito.
"Look, hindi ko naman alam if he felt the same way. Hindi ako ang tipo no'n. Kilala ko 'yon, mga model ang type na babae no'n." paliwanag niya.
"Naniwala ka naman," sabi nito.
"Tama na nga itong, usapan na ito. Papasok na ako." Paalam niya dito.
Tumango si Wayne. "Thank you so much, Wayne." Sabi niya bago lumabas ng kotse nito.
"No problem."
Paglabas niya ng sasakyan nito. Napalingon siya sa loob ng Jefti's. Nagtaka siya dahil lumabas si Jefti ng Restaurant nito at dumiretso sa kotse nito ng hindi man lang siya nito tinitignan. Saka mabilis na pinasibad ang sasakyan palayo.
"Jefti," anas niya.
Habang tinatanaw niya ang paalis na sasakyan nito. May umahon na kaba sa puso niya. Hindi niya maintindihan kung para saan iyon. Ngunit isa lang ang sigurado niya, may kung anong negatibong dating ang kabang iyon. Nadala niya ang kanan palad sa dibdib niya, sa tapat ng puso niya.
Bakit kaya ako kinakabahan? Tanong niya sa sarili.
"JEFTI, tama na 'yan!" awat sa kanya ni Karl.
Tinabig niya ang kamay nito, sabay tungga sa bote ng beer na hawak niya. Pabagsak na binaba niya ang boteng hawak niya sa ibabaw ng mesa. Saka mariin pumikit. Pinipigil niya ang mga luha niyang kanina pa nais na bumagsak. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak dahil sa pagpapakatanga niya. Sa mga kapalkapakan niyang ginawa. Sa kaduwagan niya. Hindi na siya dapat nakipagpustahan noon kay Sam. Baka hindi sana si Wayne ang kapiling nito ngayon kundi siya.
Nang makita niya na pumarada ang sasakyan ni Wayne sa tapat ng bahay nila Sam. Natuwa siya. Sabi kasi ni Sam sa kanya, iyon daw ang gabi kung saan kakausapin niya ito at aaminin na hanggang pagkakaibigan lang turing nito dito. Dahil doon, napuno ng pag-asa ang puso niya. Nitong mga nakaraang araw, pinaramdam ni Sam sa kanya na may pagtingin din ito sa kanya ng higit pa sa isang kaibigan.
Isang bagay na siyang nagbigay lalo ng lakas ng loob sa kanya para ipaglaban ang pag-ibig niya para dito. Pero hindi niya alam kung saan siya nagkamali, o masyado lang siyang nakampante at umasa ng lubos. Ngunit sa pagdating ng dalawa. Mula sa kinaroroonan niya sa may harapan ng kotse ni Wayne, kitang kita niya kung paano nagyakap at naglapat ang labi ng dalawa. Na siyang ikinadurog ng puso niya. Hindi niya kinaya ang nakita niya, kaya umalis siya. Nang bumaba sa kotse si Sam, hindi niya pinansin ito hanggang sa makaalis siya ay hindi niya binati ito. Umasa siya sa wala. Nagkamali siya, sinagot pa rin nito ang pinsan niya.
Nang dahil sa kaduwagan niya, tuluyan nang nawala ang babaeng pinakamalapit sa puso niya. Kung sana'y noon pa man ay direkta na siyang umamin dito at hindi na dinaan pa sa pustahan sa billiard. Hindi sana magkakaroon ng pagkakataon si Wayne. Ngayon, wala siyang ibang kayang sisihin kung hindi ang sarili niya.
"Jefti, tama na!" awat din sa kanya ni Mark.
"Pinsan, lasing ka na!" segunda naman ni Karl.
"Kaya ko ang sarili ko!" angil niya sa mga ito. "Umuwi na kayo!" pagtataboy niya sa mga ito.
"You're drunk, Dude! Tigilan mo na 'yan! Let's get out of here. I have something to tell you." awat sa kanya ni Wayne.
Tinignan niya ng masama ang bagong dating na pinsan niya. Nakaramdam siya ng galit dito, at matinding selos. "Wala kayong pakialam sa akin, lalo na ikaw!" sigaw niya dito.
Kumunot ang noo nito. "I need to tell you something, it's important!" sabi ulit nito.
"I said, I don't care! Hindi ako interesado sa sasabihin mo!" galit na sigaw niya.
"Dude, bukas mo na kausapin. Ako ng bahala sa kanya," sabi pa ni Mark dito.
Tinungga ulit niya ang natitirang laman ng bote ng beer, na hindi na niya matandaan kung pang-ilan na niya. Binalingan niya si Karl, na siyang may-ari ng The Groove kung saan siya naroon.
"Charge mo na lang sa akin lahat 'to," sabi lang niya dito. Pagkatapos ay tumayo na siya. Pinilig niya ang ulo ng bahagyang umikot ang paningin niya. Nang maglakad na siya, agad siyang gumewang at muntik ng bumagsak sa lapag. Pero agad din naman siyang naalalayan ng mga pinsan niya.
Pumiglas siya. "Huwag n'yo nga akong hawakan! Kaya ko ang sarili ko."
Binitiwan nga siya ng mga ito, pero alam niyang nasa likod lang niya ito. Malapit na siya sa exit door, nang may bumangga sa kanya kaya muntik na naman siyang matumba. Dahil mataas ang alcohol sa katawan at masama pa ang mood niya. Madaling nag-init ang ulo niya. Mabilis siyang bumangon at tinulak ng malakas ang bumangga sa kanya.
"Bakit ka nang babangga? Anong problema mo, pare?" galit na tanong niya dito.
"Ang angas mo ah!" sigaw nito. Saka bigla siyang sinugod ng suntok ng dalawang magkasunod.
Ang lahat ng galit niya na kinikimkim ay biglang umalpas, kaya sinugod din niya ito at tatlong beses naman sinuntok ang lalaki.
"Jefti! Tama na 'yan!" sigaw at awat sa kanya ng mga pinsan niya.
Nang mailayo siya ng mga pinsan niya at mga bouncer ng Bar, ang lalaki naman ay nakalupasay sa sahig at halos mawalan ng malay. Sunod-sunod ang paghinga niya. Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ng dalawang pinsan niya. Sinamahan siya ni Mark hanggang sa labas. Samantala, naiwan si Karl para ayusin ang gulo.
"What the hell did you do, Jefti!" sigaw sa kanya ni Mark.
"Siya ang unang sumuntok!" pagtatanggol niya sa sarili.
"Bakit ka pumatol?"
"Dahil kailangan ko naman ipagtanggol ang sarili ko! Buong buhay ko wala na akong ibang nakita kung hindi siya! Umikot ang mundo ko sa kanya! Pero hindi pa rin niya ako nagawang mahalin!" sigaw niya. Nang hindi makatiis ay tuluyan na niyang pinakawalan ang mga luha niya. Natahimik si Mark. Alam nito na hindi ang nakaaway niya ang tinutukoy. He knew what's going on with him.
"And I know it's my fault! Ako ang tumulak sa kanya kay Wayne! Hinayaan ko siya ng ganoon na lang! Ang tanga ko pinsan!" umiiyak na wika niya.
Hinawakan siya nito ng madiin sa isang balikat. "Jefti, I don't know what to say dude."
Umiling siya. "I'll be fine," aniya.
Hindi na siya muling nagsalita. Sumakay na siya sa loob ng kotse niya. Ngayon na may bago na ulit pag-ibig ang bestfriend niya. Balik na naman siya sa dati. Iiwas at magbibigay daan sa nobyo nito. Hanggang kailan kaya siya magiging ganito? Hanggang kailan niya kikimkimin ang pag-ibig niya para sa matalik na kaibigan?