Habang nasa byahe naisipan ni Ivan na dumaan munang mansiyon para makapagpalit ng sasakyan. "Hello Joo" wika ni Ivan habang nagmamaneho. "Yes insan?" sagot ni Kaijoo sa kabilang linya "Uuwi muna ako tawagan kita kapag on the way na ako mamaya, magpalit lang ako ng sasakyan" "Ge insan" Hindi nagtagal nakarating ito ng mansiyon saka ipinark ang kotse. Inutusan naman niya ang kanilang tagapangalaga na ilabas ang Kawasaki Ninja 1000sx na motor. Agad namang sumunod ang tagapangalaga, nang maihatid sa kanya ang motor agad din itong sumakay sabay harurot sa motor. Habang nasa byahe. "Insan saan na kayo?" tanong ni Ivan sa pinsan na nasa kabilang linya. "Hello insan dito sa Vizcoya, dito ka dumaan sa way pakaliwa nasa kakahuyan kami nagtatago" "Sige" Sabay harurot muli sa motor. -

