Kasabay nang pagluha ko ang malakas na buhos nang ulan. Hindi pa din binibitawan ni Ivan ang labi ko kaya naman hinayaan ko nalang. Kaso hindi ko na matiis ang paa ko dahil kumikirot. Kumalas na ako sa pagkakahalik niya at tumitig lang ako sa mga mata niya, "Bakit?" nakataas pa ang kilay nito na nakaharap sa akin "Yung paa ko, tumama kasi sa malaking bato kanina kaya kumikirot" Agad naman itong pumunta sa paa ko para tingnan ang kalagayan. Saka siya humanap nang kahoy para ilagay dito. Nang makakita agad niya itong kinuha saka inilagay sa paa ko. Ang lubid naman na nakuha niya ay maliit kaya kinuha niya ang sintas nang sapatos niya at ito ang itinali niya sa paa ko tapos ang lubid ay siyang itinali niya sa sapatos niya. Nang matalian ito bumalik na siya sa pwesto malapit sa akin.

