Kinabukasan nagdecide na ako pumasok para kahit papaano ay makalimot sa mga problema. "Ma aalis na po ako" paalam ko kay mama na ngayon ay nagluluto ng agahan namin. "Kumain ka muna anak" "Hindi na ma busog naman po ako" "Gan'un ba sige, oh heto baon mo" Sabay abot sa akin ni mama ng pera ngunit imbis na kunin tinulak ko ang kamay niya papunta sa dibdib niya. "Maglalakad nalang po ako maaga pa naman po, papasok ka po ba ngayon mama?" "Tingnan ko anak parang hindi ko pa kaya pumasok sa ngayon." "Sige kumain ka na po at magpahinga pagkatapos, aalis na po ako" humalik ako sa pisngi ni mama saka ko siya niyakap. "Mag-iingat ka" "Opo" Naglakad na ako palabas ng bahay hindi ko nararamdaman ang paligid ko parang blanko ang isip ko at nakapako sa kasal na isipin. Napapangiti nalang

