Lumipas ang dalawang buwan Mas naging sikat ngayon si Ivan at Layka sa campus. Every event ng paaralan isinasama silang dalawa kahit saan. Napansin ko itong lumipas na mga araw tila mailap si Ivan sa akin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali. Oras nang breaktime at lahat nang mag aaral ay nagsitungo na sa canteen para kumain. Nag ring ang phone ni Ivan at agad naman niya itong sinagot. Pagkasagot ay lumabas ito agad nang room. Tiningnan ko lang ito papalabas, naisip kong baka tumawag si Claire at nagyaya para kumain. Nalungkot naman ako na halos hindi niya ako nilingon o magpaalam man lang sa akin. Sabagay sino nga ba ako kaibigan lang naman ako. " Bhest mauna na ako ah ipapasa ko lang ito sa office ni ma'am tapos deretso na ako sa canteen

