"Van..a..kasi..sana maintindihan mo, hindi lahat naaayon sa atin...gaya nito.. akala mo magiging okey na ang lahat..pero hindi." hirap kong tugon sa kaniya dahil sa aking pag-iyak habang nananatiling nakatakip ng braso ko ang aking mga mata. Lakas loob kong hinarap si Ivan para matapos na ang pag-iisip ko at tuluyan nang tapusin ang namamagitan sa amin gaya nang ipinangako ko kay Jonard. "Hindi tayo para sa isa't isa Van, kaya kalimutan mo nalang ako" saka ako naglakad papalayo kay Ivan at tunguin si Jonard na kanina pa naghihintay sa akin sa pintuan. Alam kong nakatingin si Ivan sakin, todo naman ang agos ng mga luha ko sa aking mga mata, panay din ang hagulgol ko nang iyak habang naglalakad palayo kay Ivan, gusto kong bumalik sa pwesto niya, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang

