YOU COMPLETE ME Kabado ako. Para akong tangang pabalik-balik lamang sa paglalakad dito sa malawak na sala ng mansyon. Kanina pa sila ate at Anthony na nag-uusap sa loob ng library. I wonder what they are talking about? And what's taking them so long? Gaano ba kaimportante ang pinag-uusapan nila? Napapitlag ako when the door of the library clicks. Bumukas iyon at iniluwa si ate. Una siyang lumabas at si Anthony ay nakabuntot sa kanya. Blangko ang kanilang ekspresyon sa mukha at mas lalong napalakas ang t***k ng puso ko. Si Señora Elizabeth ay kampante lamang na nakaupo sa sofa at walang bakas na pagkabahala sa mukha. Tumikhim ako. "So?" mahina kong sabi at naghihintay sa idudugtong ni ate. "George is on his way." ang simpleng sagot nito. Natulala pa ako at hindi nagsink in agad sa uta

