Chapter 98 Jasmine Matapos naming magkuwentuhan ay ipinakilala ko sila Mommy, Daddy, at Breatany, kina Ante Josefina at Ate Silvia. Ang mga bata naman ay tuwang-tuwa na naglalaro sa harap ng bahay. Si Daddy naman ni Mike ay nag-ikot-ikot sa tabi ng kalsada kasama si Josh. Habang kami ay nakaupo sa kubo. Saktong uwian naman ng mga gumagapas ng palay. Dumaan naman si Uncol Nestor kay Uncol Berto na naroon sa harap ng kubo o rest house. May mga kasama itong dalawang lalaki na kasing edad rin nila. Sinalubong naman sila ni Mike at nakipagkamayan sa mga ito. "Oy, Mike. Kamusta na ang sugat mo? Napuruhan ka yata namin!" wika ng isang lalaki na kasama ni Uncol Nestor. Nakita ko na siniko ito ni Uncol Nestor. Nang hindi ako nakapagtiis ay lumapit ako sa kanila. "Anong napuruhan po ang pinag

