Chapter 100 Jasmine Makalaipas ang limang araw ay nag-enjoy naman ang mga bata at sina Mommy at Daddy rito sa Capiz. Pati na rin ang pinsan ni Mike na si Bretany. Kaarawan ngayon ni Ate Silvia, kaya pinaghandaan siya namin ni Mike, pero mas gusto niya maligo sa virgin Island na malapit lang naman roon sa lugar namin. Maaga pa nagising si Mike at Uncol Berto para mamalingki at pagdating nila ay si Bretany na ang tumulong kay Ate Josefina magluto. Nag-letchon naman ng baboy sina Uncol Berto at Uncol Nestor kasama si Uncol Hudas at Uncol Colas, at may kasama pa silang dalawang binatilyo. Tulong-tulong sila sa pagle-letchon ng baboy. Madaling araw pa nila inumpisahan iyon. Pati si Mike at Daddy ay nakisali na rin sa kanila, habang ang mga bata ay tulog pa. Ako naman ay nakikigulo sa kusi

