Chapter 33 Jasmine Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa hospital, kaya dalidali akong nagtungo sa silid niya. Naabutan ko naman sina Mommy Joan at Daddy Sam sa loob. Habang si Mike ay nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya. Kina Reynald, Christian, Stevan, Lance at pati si Samantha na nasa kaniya ang center of attention ng asawa ko. Hindi nila ako napansin. "Mom, Dad?" mahina kung tawag sa ina at ama ni Mike. "Saan sina Mommy at Daddy? Hindi ba kayo magkasamang umuwi?" tanong ko. Nagkatitigan silang dalawa. Saka naman lumingon ang mga kaibigan ni Mike sa akin. "Who is she?" tanong naman ng asawa ko. Nagkatitigan silang magkakaibigan. Niloloko ba ako ng asawa ko? Lumapit ako sa kaniya. "Mike, mabuti at gising ka na." Pero walang reaksyon ang mukha niya. Maya-maya ay

