Chapter 51 Jasmine Pagkasabi ni Mike sa akin ni Mike na hindi pagmmahal ang nararamdaman niya sa akin kundi lust ay parang pinunit ang puso ko sa subrang sakit. Sampalin ko pa sana siya pero minabuti ko na lang umalis. Ayaw kong mapahagulhol sa harapan niya. Bago ako umalis ng hospital ay sinabihan ko ang doktor na gising na ang asawa ko. Saka tinawagan ko na rin sina Mommy na nagising na si Mike at papunta na rin sila sa hospital. Sa subrang sama ng loob ko ay hindi ako umuwi sa mansyon, sa halip ay nagtungo ako sa bar kung saan kami uminom noon nila Cristy at Bioly. Sa vip ako pumwesto para kahit umiyak ako ay walang makakita sa akin. Ang sakit-sakit ng loob ko. Ang sakit pala sabihan kang asawa mo na hindi ka niya mahal. Kahit na sabihin ko na wala siyang maalala ay sa puso niy

