Chapter 12

4999 Words
To Damon Delborja: I'm in Backlor with 8balls. Chill night lang. I updated Damon. Ganiyan lang ang mga chat namin everytime na alam kong nasa office pa siya or alam niyang nasa school ako. We are respecting each other's busy time kaya ayaw naming maka-istorbo pa sa isa't-isa. "Anong gagawin natin dito? Paulit-ulit na dito tayo nagvi-vid for our vlog." reklamo ni Chris. "Oy! Sa Fort Santiago kaya tayo last time!" Sabat ni Nica na may inuusog na high chair. "Type mo na naman yung bartender dito?" Angelo asked Nica. "Hindi 'no! 'Yung sa Siren lang." Tumawa ito na parang malandi kaya tinapunan siya ng mani ni Ralph. Nakaupo akong naglalaro sa phone ko nang magring ito. "Hello?" sa maliit na boses ay sagot ko sa tawag ni Damon. He paused for a bit so I have a time to hear his background. Sobrang tahimik ng paligid at ang aircon lamang ang tumutunog. "Are you having fun?" He asked in a husky voice. He must be tired from the whole day meeting. I walked out of the Backlor, sa tapat lamang kung nasaan ang ilaw. Tanaw pa rin naman ako nila Ralph galing rito. "Yeah. Nakapagvideo ulit kami para sa isang wala na namang kwentang vlog." I said unconscious by my choice of words. He chuckled, "Are you drunk?" "No..." I rolled my eyes. I feel light headed but I know what I'm doing. "Tell me your day, please." He said, "And put it on video call." And so I did. Now, I saw him handsomely and sexily leaning his back and head on the head rest of his swivelchair. He closed his eyes for too long before opening it again. "Kanina pala. I was almost sent to the prefect of discipline or guidance office, whatever." Kwento ko sounding excited. "Why? What happened?" He shifted on his seat, all eyes on the screen of his phone. "May group of girls and guys kanina na nagdistribute ng milktea for all daw na nasa canteen." I rolled my eyes, "Kilala namin ang mga 'yon. They're bullies from engineering department kasi galing sa mayayamang pamilya." "Hindi lahat ng anak mayaman ay gan'yan." He diverted. I nodded. "Yeah. Anyways, 'yun na nga. I observed, they gave a different drink doon sa isang babae. I forgot her name, gosh." Maarte kong sabi, "I know the girl. Siya 'yung sinusundo ng limo sa exit. E pinagti-tripan ata nung mga loko-loko kasi mukhang nerd at inosente." "Uh-huh." "Kinuha ko yung drink nung girl and sabi ko exchange kami kasi gusto ko nung flavor ng sa kaniya." nagsalubong ang kilay ko, "Tapos nagalit sa'kin yung group na 'yon. Of course, back up lagi sila Ralph kaya 'di ako takot. Binuhusan nila ng milktea yung girl." Umiiling na siya ngayon kaya natawa ako. Not until you witnessed my warfreak side, Damon. Baka magback out ka sa panliligaw mo. "I answered them innocently, of course, kahit gusto ko na manapak. Tapos I triggered one of the girl sa group na 'yon kaya inambahan akong tatapunan din ng milktea sa mukha! I pushed her hand kaya sa kaniya natapon yung drink tapos ayun..." "Ayun ano?" He asked attentively, hinihilot ang sentido, "Nagkagulo?" "Uh hmmm." Pagamin ko sa nahihiyang boses. Kumamot pa ako sa bandang batok ko. Maraming tao ang napapatingin o kumakaway sa akin at nginingitian ko lamang, pinapahalata na may kausap sa phone. Nakapamulsa ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa phone. "What did you do?" He asked worriedly. "She tried to slap me. Dahil mas malaki siya sa akin, kinabahan ako. Ayun, sinabunutan ko." I smiled innocently. I know. It doesn't suit my face but I still tried to make it look innocent. "Oh-kay...?" Hindi na siya sigurado ngayon. Nakapatong na ang dalawang siko sa mesa at parang hirap na hirap pang pakinggan ang susunod na sasabihin ko. "Tapos hinatak ko 'yung buhok niya papapuntang sahig! Kakaladkarin ko sana kaso pinigilan ako nung nerdy girl!" May sama pa ng loob na sabi ko. "Oh, good Lord. At mukhang disappointed ka pang hindi natuloy ang plano mo!" Nawalan na ito ng pasensya. "Nakakainis, Damon! Pinagtatanggol na nga namin siya tas pinigilan niya ako!" I tsked and rolled my eyes. "And then what happened?" hirap na hirap na tanong nito, "Please, tell me you fixed it properly." "Pinatawag kami at pilit na pinag ayos doon sa office kasama sila Ralph na wala namang kinalaman. The nerd girl used her power. Apo pala ng napakalaking malls dito sa pinas! Natest din agad yung drink na binigay sa kaniya, may substance na pampatae." Tuloy-tuloy na kwento ko. "Hindi na kami sinali pa at 'yung mga bullies na lang 'yung naging focus dahil doon sa girl. Nilinaw niya na pinagtanggol ko lang naman siya." I said proudly, "Kinausap ako ng University president na never take a blind eye on something important like this. Sana raw matulungan namin sila maayos ang mga bullying issues sa school." "And you turned out to be a hero after lashing out like that?" He asked calmly. "I didn't lashed out, Damon! Nakita kong binubully 'yung babae! I made sure my intentions of exchanging our drinks were pure. Napatunayan ko lang na may plano sila nung nagalit na sila sa ginawa ko!" "Yes, I know. And I fell deeper for you because you are that thoughtful. But don't ever use violence against people like that okay? They don't deserve your strength and your career." Malumanay nitong pagalit sa akin, "Violence is for savages. Never use it—" "Unless provoked. 'Yun ang turo ni mama. They tried to pour milktea on me, too!" "Paano kung pagtulungan ka? Wala sila Ralph sa paligid?" "You think, I can't protect and save myself, Damon?" I hissed, "I like disney fairytales but I never planned to be a damsel in distress!" Matagal ang naging pagtitig nito sa akin. Tinagilid niya pa ang ulo niya at pinaglaruan ang labi gamit ang mga daliri. "I'll be tied up with a strong woman, then? Fight for me, my queen." He's now smirking. "But I never said I don't need the saving." I rolled my eyes, "A king should always protect his queen, right?" "Uh-huh." He's smilling playfully now, "Can't wait to go home to you." "To me?" Taas ang kilay kong tanong. "You're my home." He answered with a smile on his face. "You look tired. Hindi ka pa uuwi?" I asked. Saka lang ito tumingin sa wrist watch at saka tumayo. I watched him turned off all the lights in his office. "My flight is tomorrow. It was rescheduled on the evening kaya umaga na ako ng Sunday makakarating diyan." He said while walking to the elevator. "Who's the girl?" Tanong ko habang may nakikitang repleksyon ng babae sa salamin sa likod ni Damon. Kumunot ang noo niya. I took a screenshot and immediately sent it to him. The woman looked old. Around mid-30s. "Sino 'yan, Damon?" I asked with a warning. He grinned and chuckled. Gumalaw ang camera at naglakad palapit sa babae. "My baby's jealous. Can you introduce yourself to my baby, Gina?" Ani Damon at tinapat ang camera sa babae. "Hello, Ma'am. I'm Gina Bentulan, secretary of Sir Damon. I have a husband and I'm pregnant." Tuloy-tuloy na sabi nito. I blinked a few times. Seven times in total. "Ah... Hi po." I smiled awkwardly. "Nakita po kita sa party ni Ma'am Elise. And my youngest sister is a fan of you. Kayo po pala talaga ni Sir Damon." "Hindi pa, Gina. Hindi niya pa ako sinasagot e." Damon smirked playfully. He's giving me a hint to make him my borfriend already. Well, naiisip ko 'yon. Hindi ko alam kung kailan at kung... sigurado na ba ako sa nararamdaman ko. O baka bugso lamang ng damdamin at sa mga matatamis na pinahahatid ni Damon. "Sir? Usap-usapan sa main building na kayo na ni Ma'am Francy. Akala namin..." "Really?" I asked with eyes wide open. "Matagal na, Ma'am. Nung unang date niyo sa restaurant sa hotel sa Manila, Ma'am. Kumalat na agad ang balita." I'm still in daze. Dahil rin siguro sa lakas ng tama ng Cuervo sa akin ay parang lumala ang lutang na nararamdaman ko kanina. "Teka, nahilo ata ako." I heard Damon chuckled on the other line. Nang magalala si Gina ay naging halakhak na ang pagtawa ni Damon. "Hindi naman siguro sobra-sobra ang chismis doon 'di ba?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Bukod po sa nage-expect na sila sa grand wedding—" "Grand wedding! Oh God!" I shouted. Napalingon sa akin ang guard sa guard post. Nakababa na ng under ground floor ang dalawa. Naglalakad na lamang palabas. Ang dilim ng nilalakaran nila at ang background ay mga banyagang salita. "Saka grandchild po, ma'am—" "Diyos ko!" Damon laughed whole heartedly. Umaalog pa ang camera nito sa sobrang tawa at ume-echo ang boses sa paligid ng parking space. "Syempre, ma'am. Controversial kayo! Sa daming naging babae ni Sir, kayo lang dinate niya sa restaurant nila!" rinig kong sabi ni Miss Gina. "Miss Gina, dapat po ba akong maging thankful sa info na 'yan? Parang hindi kasi nakakatuwa ang reputation niya—" "Ay, Ma'am! Hindi po iyon sa gano'n!" "Just be thankful and grateful, Francy. It is a privilege to officially date a playboy Damon Delborja." may ngisi ito sa labi. "Dito na po ako, ma'am. Bahala na po kayong ayusin 'yan hehe!" peke pa itong tumawa bago ko marinig ang yabag ng takong nito palayo. Damon stopped infront of a black ferrari. Tinitigan niya muna ako. Nang mapansin niya ang badtrip kong mukha ay umiiling itong tumatawang pumasok sa kotse niya. "God! I never thought you'd be this adorable when jealous!" Naging wholesome ang conversation namin ng gabing iyon. He have an exclusive party to attend later kaya kahit pagod sa trabaho ay kailangan niyang magpakita doon. I let him enjoy his time. KAGAT-kagat ko ang chain ng aking necklace habang naglalaro kami ng mafia game ng 8balls. Napagpasyahan namin na maglaro na lang ng mafia game at cash price ang premyo. Nag ambagan kami ng tig-1k bawat isa at maglalaro na. Dalawa ang mafia, isang pulis, isang doctor, at apat na normal resident. Kung sino ang matitirang mga buhay, sakanila mapupunta ang pera. Isa ako sa mafia at kinakabahan ako dahil kabisado ni Ralph ang kilos ko lalo na kapag kinakabahan. Inangat ko ang ulo ko at nakitang si Chris ang kasama kong mafia. s**t, patay na! Sayang 1k pag 'di nanalo. Una naming pinatay si Ralph. "Morning came at..." Pasuspense na sabi ni Corki, "Walang namatay!" "Holy bible!" "Putang na loob!" "Woooh!" "Tanggal angas ng mafia!" I laughed. They laughed too. "Ngayon ay magpapakilala kayo isa-isa kung ano kayo." Ani Corki. Si Corki ang madalas na concept thinker namin sa mga malalakihang vlog, siya rin minsan ang editor, pero madalas siya ang host. Gaya ngayon. He's gay and he's all around. "Ah basta ako, inosente ako." Sabi ko agad. "Patayin natin 'to. Walang inosente sa pamilyang 'to." Ani Chris. "Raulo! Ang bait-bait ko e!" Hinatak ko ang buhok nito. Agad naman niyang inayos. "Ako, citizen!" ngisi ni Nica. "Gaga! Normal resident ang nakalagay sa papel! Walang citizen! Patayin 'yan!" Ralph. "I think, tama! Patayin si Nica!" Gelo na nagthumb down na para kay Nica, "Buti pa ako, Resident!" "Ako rin! Si Nica, impostor!" Erick "Hoy! Walang personal na galit dito ah!" Tawa ni Corki dahil nagbabardagulan na naman sila. "Basta ako, tao ako." Saad ni Chris. "Okay." Sagot ni Louis, "La naman kaming pake." "Ako, netizen." Sabi ni Andrei. "Wala sa choices. Hindi ka ata kasali." Tawa ko kay Andrei sa tabi. Sinimangutan niya ako. "Ako. Ako si Ralph." Kumindat pa ito sa Camera. "Sige. Dahil hindi rin naman kayo maniniwala kung sabihin kong resident ako, isa akong mafia." Proud na sabi Louis. At unang namatay si Louis. "Hoy! Biro lang 'yon!" Minura niya kami at pinakitang residente ito. "Gabi na ulit." Corki, "Gising na ang mga mafia." Tumingala ako at tinignan si Chris. Tinuro niya si Ralph. I did the same. "Doctor." Corki ulit, "Pulis." "Pulis, ang OA mo. Settle down." Saway ni Corki. Naka-stand by lang ang mga camera sa amin. Lima ang camera, dalawa bawat isa at isang pangkalahatan. Nagkakagulo ang paligid habang mga may isa-isa kaming mic sa mga damit namin para malinaw na marinig. "Morning came at namatay si Ralph." Saad ni Corki sa malungkot na boses. "Putcha!" Angal ni Ralph. Brainstorming ay napili naming patayin si Nica dahil sa kakaibang kinikilos nito. "Another night came. Gising na ang dalawang mafia." Corki narrated. "Buhay pa kayo!" Sigaw ko. Itinuro ni Chris si Gelo na sinang ayunan ko. "Doctor?" Corki, "Policeman." "Morning came, no one died." "Put*ng ina! Niligtas ko sarili ko!" Sigaw Chris. Huh? I got confused. Si Angelo ang pinatay namin.. "Hoy! Tigilan mo ko! Niligtas ko si Gelo!" Sigaw ni Erick. Wait. Chris's doing his stupidity, Angelo is a freaking idiot and Erick is... the real doctor. Wala ng police? We killed the policeman. "I checked all of you except Andrei and Chris." Sabi ko. "Pulis ka?" Andrei asked, "Pulis din ako." "Tigilan mo 'ko. Kung pulis ka nga, ano si Erick?" I asked, I raised my eyebrow. "Normal resident—" "Kill Andrei!" Sigaw ni Erick kaya naman pinatay talaga namin ito. "Night came and the two mafia—" "Hoy! Ginagago niyo 'ko!" Sigaw ng nakapikit na Erick. "Tangina, kinakabahan ako." "Si gelo at Francy na talaga. Final answer." Sabi ni Chris. We killed, Angelo. Nagkatinginan kami ng katabi kong si Andrei. Nang makita niyang isa ako sa mafia ay kinurot niya ang pisngi ko. "Doctor?" Corki, "Kumalma ka, doctor!" "Police. Okay, morning came and Angelo died." "Utang na loob!" Sugaw ni Erick. "In this case, mafia wins. Both mafia are alive. Francy and Chris!" "Hindi ko na kayo pagkakatiwalaan ulit!" Sigaw ni Erick. SUNDAY Morning came and a phone call from Damon woke me up. "Hello?" Nakapikit pa ako nang sagutin ko iyon. "Sorry I wake you up. I just want to inform you that I'm home." He said in a husky tired voice. That made my eyes open. "Pilipinas, Damon?" I asked. I looked at my wall clock. It's 6:53 am. "Yes. Kakarating ko lang sa condo." Naririnig ko ang kaluskos ng paglalakad niya at ang pag hagis ng gamit sa kung saan. "You should sleep or rest. You must be tired." I yawned after I said that. "Nope. Nakatulog na ako sa plane and I don't think I can still sleep again," He sighed, "I miss you so damn much." "I miss you, too." I answered, pumipikit-pikit pa ang aking mata. "Can I see you today? I have lots of pasalubong for you. It all reminded me of you." "Sunday is a family day for me, Damon..." I said sadly. "Even just for a meal? Or an hour? Please? Kahit saglit lang..." He sound so clingy. A six-footer with a big frame hotelier and soon to be CEO is clingy? Too bad for his badboy s***h playboy s***h fckboy title, huh? "I think we can see each other this morning 'till lunch?" Hindi sigurado kong sagot, "Kuya is ariving after lunch so maybe you can drop me back here before lunch..." "Really?" Muling nabuhayan ito at parang napabangon pa sa pagkakahiga sa kung saan. "Yeah but I don't know. Kailangan ko pa muna magpaalam kay mama." I'm old enough to decide for myself but I respect my family's opinion. Hindi ako aabot sa kug nasaan ako ngayon kung hindi dahil sa suporta at tulong nila. "Tell your mom, susunduin kita. We will just date for at least an hour." He said, "O kaya, magsimba tayo dahil sunday ngayon." "Simba?" I was so shocked that it made me sound like I don't want it. "Yes. Church date? Ayaw mo? Sorry, I just thought it's a good idea—" "No, it's okay! Na-nagulat lang ako!" I stuttered, "I'll ask mama about it over breakfast. She's awake by now." Nang dahil sa gulat at excitement ay agad ang pagbaba ko upang makausap si mama. Nakita ko si mama sa hapag kasama si Papa, ate Margie at Betty boop. "Oh. Aga mong gumising. Kain na." Bati sa akin ni Papa. Nahiya ako bigla kaya bumagal ang paglalakad ko palapit sa dining table. "Bakit nagmamadali ka kanina?" Ate Margie asked. Francy, pamilya mo lang ito. Wala kang kailangang itago. Saka wala naman dito ang mga Kuya. "Iyong manliligaw ko kasi..." "Ah 'yung gwapo sa cafe kung saan ka sinusundo ni Marian?" Ate Margie na parang wala lang ito. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ako at si Marian lang nakaka-alam. Ang asawa niya, akala crush mo lang." "E ayun na nga," naupo ako sa katabing upuan ni Betty, "Niyaya akong nagchurch date ngayon." "Church date, ateng?!" I nodded. "Before lunch. Alam naman kasi niyang family day natin ngayon kaso kakauwi niya lang galing ibang bansa for a week kaya ayun..." "Alam mo bang ayan din ang dahilan kung bakit ko pinakasalan si Papa mo?" biglang salita ni Mama. At si Papa namang nagyayabang na may ngisi sa labi. I rolled my eyes at him. "Hindi makaporma kay inay noon kung paano ko liligawan si Mama mo kaya parati kaming sa simbahan lang nagpupunta." Pagkwento ni Papa. "Marry a man who will date you in a sacred place like church. Bihira sa mga lalaki ang may takot sa Panginoon at nasa isip ang pagsisimba, Francy." Mama smiled at that. Tumango-tango din si Ate Margie at nagkwento na ang asawa niya rin ay niyaya siyang magpunta sa isang lumang simbahan sa Pangasinan noon. Si ate Marian naman ay sa simbahan sa Bulacan. "Hala, gusto ko rin maghanap ng lalaking gan'yan! Mas malaki ang tyansa na ite-treasure niya ang sumpaan namin sa kasal kung may takot siya sa Panginoon." Saad ni Betty Boop na parang na nanaginip nang gising. "Basta i-uwi ka niya bago makarating rito sila Kuya mo." Ayun lamang ang sabi ni mama. Nakarating rito si Damon. Hindi ko na ito pinalabas pa ng kotse niya at sumakay ako agad sa kaniyang black mustang. Nang makapasok ako sa kotse nito at ipinatong sa lap ko ang bouquet of tulips, agad niya akong sinalubong ng yakap. "I missed you." He whispered. I felt him kiss the top of my head. He embraced me tighter. I sniffed on his neck and smelled his perfume. Ah, my favorite scent. I rested my head on his neck as I savor the warmth of his hug. Nang mahimasmasan ito ay nagpunta kami sa Manila Cathedral para magsimba. Hawak niya ang aking kamay sa bawat pagdarasal ng taimtim lalo nang communion. "You know, I prayed to God and asked Him to help me get you?" He whispered to me. Nilingon ko siya at nakitang deretso lamang ang tingin nito sa altar. "The first time I met you, the first time you laid your eyes on me, the first time you talked to me, you smiled for me, you laughed with me and the first time you got mad at me. You made me crazy over you so I asked His help to guide me." I saw him smile, "All he did was give me light so I could see the way to you." Parang may mainit na kamay ang lumukob sa aking puso. Niyakap ito at hindi binitiwan hangga't hindi ko maramdaman ang saya at pagkakapanatag sa lalaking katabi ko. "It made me realize it more while I'm far from you."He chuckled, "Gano'n pala 'yon kapag may inaasahan kang tao na magiging pahinga mo." "Palagi kang pagod pero kapag nakita mo na, parang magic, mawawala nang kusa?" I asked when it's obvious. He nodded. I know, I feel it too. Always. Every after class, after a hectic sched, mindwrecking major plates, and breathless practice. Makita at makasama ko lang siya... ayos na ako. "Parang nagiging dependent na tayo sa isa't-isa." I chuckled, "Suddenly, we found our weakness and strength to each other." "You made me soft and you may be my weakness, but you are my strength. Sa'yo ako humuhugot ng lakas ko." He squeezed my hand and held it tighter. TAHIMIK at naging panatag kami sa mga nagdaang araw. Ngayon ay sumasagi na sa isip ko kung paano siya sasagutin. Five months nang nanliligaw sa akin si Damon at matagal ko na itong gustong sagutin. "Diyos ko paano." Bulong ko. Hawak ko ang blueberry milkshake sa aking kamay habang nakatulala sa mga nagpa-practice na teammate. Cleaning na lang ang ginagawa namin ngayon. Nagdadagdag ng ibang detalye upang mas mapaganda at isinasabay-sabay at ipinapantay-pantay ang mga dapat. Around 4 pm na at nasa training room pa rin kami. Late na rin naman kami nagumpisa kaya malamang ay mga gabi na kami matatapos. "Ayusin niyo naman! All out, champs! Next two week na 'to!" sigaw ni Coach. Tumayo na ako upang tulungan si Coach at si leader sa pagaayos ng teammate. Alas otso na ata ng gabi nang maisipan kong tawagan si Damon. Maghapon itong walang text o tawag manlang. Huli nitong chat ay noong nagsabi akong baka gabihin ako ngayon at hindi kami makapag date. "Hello?" Masigla kong bati. "Hey..." kabaliktaran ng sigla ko ang pagod nitong boses at pilit na pakalmahin ang boses nito. He even cleared his throat as if he is hiding something from me. "Nasaan ka?" I asked him. "Main building. Finishing some... papers." Wala sa ulirat nitong sabi. "Late ka rin makakauwi?" I asked still curious of what's happening. "Yeah." "Are you tired?" "... Kind of, but I'm fine." he sighed and pause, "I miss you." Galing LRT ay hinatid niya pa ako sa school kaninang umaga at he sounds okay! Pati kanina. Ngayon lang parang matamlay at malungkot. "Do you need me?" I asked. "Yes but you're tired, too. Go home now and rest, Francy." He said with finality, "Tatapusin ko lang ito at uuwi na rin." We bid our goodbyes as I decided to go to his office. Pwede naman siguro ako doon? Nagbook ako ng car na maihahatid ako sa main building nila at nakarating kami sa isang matayog na building. Delborja Holdings Corp. Dito yata nakapaloob lahat ng business nila. Mula hotels hanggang resort at restaurants. I was greeted by a guard who I think doesn't know me. Dire-deretso ako hanggang sa makarating ako sa tanggapan. "Hi! I'm Francy Ignacio. I'm here for—" "Damon Delborja, ma'am? I'll call his secretary right away, ma'am." the woman said, "This is the legal process, ma'am but I think, pwede naman po kayong dume—" "No! It's okay! Tawagan muna ang secretary. This is a surprise so I don't know if he's busy or not." Tumawag muna ito at ilang sandali ay pinayagan na akong pumasok. I went to an elevator with four people inside, including the elevator girl who's obviously shocked with my presense. "Francy Ignacio." Bulong nito. Ang dalawang babae at isang baklang employee ay hindi ako napansin dahil sa pagchi-chismisan. "Hindi! Ifo-force 'yan si sir Damon pakasalan si ma'am Vanessa kung iyon ang gusto nung mahaderang 'yon!" "True sis! Ipinipilit ang sarili kay sir Damon. Naturingang mayaman pero walang class!" Hindi alam ng elevator girl kung paano niya patitigilin ang tatlong naguusap. Sinesenyasan niya ang mga ito pero wala pa rin. "Hindi ako sang-ayon kay Francy at sir Damon pero feeling ko, mas okay nang silang dalawa kaysa sa inggiterang ma'am Vanessa na 'yon!" "Naalala mo nung sinigawan ako no'n! Dahil lang sa humaharang ako sa dadaanan niya! DamCy shipper ako! Manigas siya diyan!" "Hoy!" Hilaw na tawa ng elevator girl, "Ma'am Francy, 15th floor po si sir Damon. May specified elevator po ang mga Delborja at ang mga asawa nila sa kabila, ma'am." "Ah! Hindi naman ako asawa. Dito na lang ako." I smiled at her. Natigilan din magkwentuhan ang tatlo. Sumarado ang pinto at umakyat na ang elevator. "Miss Francy?" Isang babae sa tatlo ang bumulong. "Yes po?" I asked nang lingunin ko sila. "Hala! Siya nga!" salita ng isa, "Badtrip po si sir!" "Why?" "Ang chismis, dumating 'yung pamilya nung Vanessa Liberon. Ginagamit na naman ang stocks nila para mapalapit kay sir Damon." "Baka kung anong hingiin na naman no'n kaya badtrip si Sir." "Puntahan niyo, ma'am!" "That's what I'm planning. Wala naman siyang sinabi pero parang malungkot nga siya." Sagot ko. Lumabas at nagpaalam na ang tatlo sa akin. Nakarating na din kami sa floor ni Damon. Isang malaking lobby ang sumalubong sa akin at sa dulo noon ay desk. "Miss Francy!" Mrs. Gina shouted in a whispered manner. Pinalapit ako nito sakaniya, "Pinapunta kayo ni Sir Damon?" "No. I just came here to visit him. He sound..." "Galing dito si Miss Vanessa with her Dad and Sir's grandfather. I don't know what happened, but I think sir Damon needs you." "Sige po. You can go home now, Miss Gina. It's past your overtime." Miss Gina nodded and give her thanks to me and told me just enter Damon's office. I'm not prohibited to enter his office even in a tight schedule. What a privilege I have. Nang makaalis na si Ma'am Gina at nasigurado kong kami na lang ang nasa floor ay ang pagbukas ko ng pinto. "It's past over time, but you let your preggy secretary stay." Bungad ko. I expected him to excitedly welcome me. Shout and hug me with a big smile on his face. But he's right there. Nakaupo, nakapatong ang magkabilang siko sa desk at nakasalikop ang mga palad sa batok nito habang nakatungo. Nang rumehistro siguro ang boses ko sa kaniyang utak ay saka lang ito tumingala. I saw glitters in his eyes. His perfect round deep, hazel brown eyes shimmered with mysterious moist. "Problem?" I asked. I found the nearest sofa and I put my bag there first before walking to Damon. "Just stressed." Umikot ang swivel chair nito patalikod sa akin at pinunasan ang mata. Sige. Kunwari hindi ko nakita. Wala sa sarili kong hinanap ang switch ng mga ilaw sa paligid. I turned off all warm white lights and left yellow lights. Agad dumilim ang paligid. I walked near him. I stopped beside him. "Can I hug you?" I asked. He needs it. But because he is a guy, he won't ask for it. Bahagya itong umiling habang nakayuko at saka ito nag angat ng tingin. The darkness and yellow white lights complemented the interior of the office, making his face shadows a yellow light. Sa nakatayong posisyon at siya ay nakaharap sa akin at nakaupo, sumingit ako sa pagitan ng nakaparte nitong nga hita at niyakap siya ng mahigpit. Ang mainit at malamin na pagbuga nito ng hangin ang nagpakiliti sa aking katawan. "You have me, remember?" Ramdam ko ang pagbaon ng ulo nito sa leeg ko lalo na ang parte ng kaniyang mata at nagpaubayang umiyak. Humigpit rin ang pagkakayakap nito sa akin, tila nagpipigil. "If ruining an empire means I can be with you, I will do it." He hissed with a slight sob in the end. "But we will never be happy. Makakatakas tayo pero hindi ang konsensya natin. Lalo na kung para lang naman sa akin." I kissed his head like what he always do when he's trying to comfort me. "You're all I need..." He said, "Pumunta rito si Grandpa para ipagpilitang ilakad sa akin si Vanessa, I immediately said no. But, I think they will still push the engagement thing." "Papayag ka?" "No!" "Hindi naman pala, e!" I thinked deeply, "Can they pull your inheritance if ever you won't obey your grandfather?" "Probably," he sighed, "If only mama la's alive. May kalayaan akong pumili ng mamahalin ko." "It's your heart and mind that has the right to choose. Walang iba." I caressed his back to comfort him. Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging ang mabigat na paghinga niya lamang at aircon ang madidinig. "Kung..." basag niya sa katahimikan, "Kung itanan na lang kaya kita?" "Kung basagin ko kaya mukha mo?" I hissed. It made him chuckle in between my neck and shoulder. "I can start from the bottom. I will not need the empire or inheritance to be successful. Ikaw at ang pamilya ko lang ang kailangan ko." "How about, we calm down first? Try talk to your grandpa about it tomorrow. 'Yung walang pressure ng ibang tao." I suggested, "You are the eldest, maybe the favorite too. Your grandpa will not just stand there and wait for you to have your ways." He's getting old, I understand. Maski ang dugo ko ay kumukulo sa galit ngunit kailangan rumespeto. Naiintindihan ko rin ang kagustuhan nitong maipagpatuloy ang pinaghirapan ng kaniyang ninuno. Sa madaling panahon. "Oh God. This is embarassing." Nakayuko itong humiwalay sa aking pinunasan ang luha niya. "Not at all." "I was so frustrated that I can't function well. Thank you for being there for me." He looked up and stared at me straight in the eye. "No worries." I wiped his face, "Are you fine now? Let's go? I'm hungry." "I think, I'm not yet fine. Let me hug you again." Bigla itong yumakap ulit nang mahigpit at inamoy-amoy ang aking leeg. "Damon!" Tinampal ko ang braso nito dahil sa kiliting nararamdaman. "Hmmmm... Smells nice." He hugged me tighter. "Chansing ka na, ha! Hindi pa tayo!" Kinurot ko ang tagiliran niya. He groaned a bit and chuckled after. "Nabawasan angas ko." I felt him smiled genuinely on my neck. I shooked my head, "Parang hindi naman. I still like you very much." He stopped moving. He became stilled that I thought he's not breathing anymore. "... what..." suminghap ito at humiwalay sa pagkakayakap sa akin para matignan ako. "You... you like me? Very much?" "Uh, yeah? Why'd you think I let you court me and date me, then?" I rolled my eyes. "I thought you were just being generous—" "I'm not even mabait and you know that!" Pinisil ko ang ilong niya. "At least, we can upgrade that eventually." He grinned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD