Broke
"Where are you going?"
Umatras ako nang marinig ko ang boses ni Travis. Sa tingin ko ay lalapitan niya ako. Is he going to ruin my night too? Hindi pa ba sapat ang pagpapahiya niya sa akin sa opisina?
Napakurap ako.
His voice was freaking solemn. Nilakasan ko ang loob kong taasan siya ng kilay. Sino ba siya sa tingin niya?
"Anong pakialam mo?"
Kahit ako ay nagulat sa talim ng boses ko. I never talked to him like this, ngayon lang. And I am just really pissed.
"Hmm." He smirked once again but I saw different emotion in his eyes. "You talk just like your friend." Kumunot ang noo niya. "What's her name again?" He asked while looking at me.
Hindi ako sumagot ngunit nanatili ang matalim na tingin ko sa kanya.
"Come on, baby. Why are you looking at me like that? I am very sure you missed me."
Nanigas ang katawan ko. He talked so arrogantly. Hindi ako sanay sa ikinikilos niya. He used to be very sweet and caring before. Pero kung sabagay, pakitang tao lang naman ang mga iyon.
"Why are you doing this?" Mahinahon kong tanong. I don't want to argue with him. Nakaka stress.
"Doing what?"
Tumaas ang kanang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Agad akong umatras ulit at tinagilid ang mukha ko para iwasan ang kamay niya.
"Stop it. Aren't you done yet? You broke me, what do you still need from me?" Madiin kong tanong.
Hindi ako makapaniwala na naharap ko siya ng hindi nabubulol. My feet were trembling pero ang boses ko ay maayos. It is called control.
"That's rude, baby. Broke you?" Ngumisi siya. Napayuko ako dahil ayokong makita ang ngisi sa mga labi niya, he's really unbelievable. "I didn't. You broke yourself. You did that to yourself." He said like he doesn't really care at all.
Napailing ako. This conversation is going nowhere. Naninikip lang ang dibdib ko sa tuwing kinakausap siya.
Nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa mukha niya, nang makita kong nakangisi parin siya ay naglakad na ako at nilagpasan siya. Ipinagdasal ko na sana ay tigilan na niya ako.
But I got shocked even more when he suddenly came in front of me. Nagulat na naman ako sa pagkilos niya ng mabilis.
He held my shoulder.
"You can't escape from me, baby.."
Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko. Wala siyang karapatang hawakan ako!
"Escape? Naririnig mo ba ang sarili mo? What do you still want from me?"
"Nothing." He confidently shook his head.
"Why are you doing this?" Nasaktan man ako ay tinanong ko siya, pagod na pagod na ako.
"I'm not doing anything. I'm just being nice. Magkalapit ang condo natin, iisa ang kompanyang pinagtatrabahuan natin, so what's wrong? Naging magkaibigan naman tayo, hindi ba?" he stated.
I wanted to punch his face dahil sa huling sinabi niya. Kaibigan? Nagka amnesia ba siya!?
"Kaibigan?" umiling ako. He's impossible. "You think you're funny?" gusto ko nang umiyak dahil sa frustration.
Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
Sa isang iglap ay naging seryoso na naman ang mukha niya. And its scary.
"Do I still affect you? That's overwhelming." aniya at tumingala na parang hindi makapaniwala.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nilagpasan ko na ulit siya. He is impossible as s**t. Hindi ako makapaniwala na hindi ko siya kayang suntukin at sampalin. I just don't want to argue, iiwasan ko iyon kung kinakailangan.
"You can't run from me, Myla." sabi niya at hinabol na naman ako.
I did not stop.
"Never." sabi niya at hinawakan ang braso ko. Muntik ko nang mabitawan ang tupperware na hawak ko dahil sa bigla niyang paghawak sa braso ko.
"Travis!" napasigaw ako at tumigil sa paglalakad. Hinarap ko siya. "Please leave me alone!" napasigaw ako at dali daling naglakad. Hindi na niya ako sinundan.
I suddenly felt the familiar pain again.
"
Are you okay?" Charlotte asked me. Katatapos lang ng concert na hinandle ng team namin na naganap dito malapit sa Museum.
Umuwi na ang ibang mga kasama namin at kami na lang ni Charlotte ang naiwan.
"Oo. Uwi na tayo.."
Nakaramdam ako ng pagod dahil sa event. Though it went well. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako sa kotse ko dahil wala pa ang kotse niya.
"Hindi muna. Do you want to go clubbing?" Tanong niya.
Gusto kong umiling dahil pagod ako. "Ngayon na?"
"Oo. Ngayon lang naman." She pouted.
Napaisip ako sa sinabi niya, I can go with her kung sabagay ay ngayon lang naman. Inisip ko din na magkakaroon ako ng mahabang tulog after some drinks.
"Sige. Pero uuwi muna tayo."
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Change clothes?" Patanong kong sabi. Hindi ako komportable sa damit ko.
Umiling siya. "Hindi na. Okay lang ito."
"Pero pinagpawisan tayo kanina." It was reasonable.
Nakita kong umirap siya. "Fine. Shopping nalang tayo, doon ka na magshower at magpalit. Okay?"
Tumango ako. Her idea is really better than mine. Bakit nga ba pinapakumplekado ko pa ang mga bagay na madali lang?
We went shopping. Doon na kami nagshower at nagbihis. Masaya din pala ang ganoon, I never tried it. Madalas akong nasa bahay noon dahil strikto si Dad.
Pagkatapos naming magpalit ay dumeretso na din kami sa isang restaurant. Kailangan muna naming kumain dahil hindi pa naman masyadong gumagabi.
"Are you okay? You look tensed." Charlotte asked me and she was right. Kanina pa ako kinakabahan sa hindi malamang dahilan.
"I'm fine. Na pressure lang ng kaunti kanina. It was a wild concert, I didn't know." biro ko.
"Oo nga, eh.."
Wala sa sariling napasulyap ako sa magkasintahan na nasa tabi ng table namin ni Charlotte.
They looked so sweet and happy. My smile faded away dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko. May inisip ako, may namimiss ako at ayokong aminin sa sarili ko dahil ayoko at hindi dapat.
Nangungulila ako sa kanya. Iyong taong inakala kong pagmamahal niya sa akin noon ay mali pala. It's all coming back again. But I have to stop myseld dahil mali iyon!
"Ayos ka lang ba talaga?" She asked again. Mabuti na lang at hindi niya napansin na nakatitig ako sa katabi naming mesa.
"I'm fine. Napagod lang talaga ako."
"Thank you kanina. Kung wala ka siguro hindi namin tatanggapin iyong event na iyon, hindi din kasi nakikinig sina Alex sa akin."
"Tama na. Masyado na akong nabibilib sa sarili ko." I tried to laugh kahit nakatuon parin ang pansin ko sa katabing mesa.
I sighed. Kung tutuusin nga ay masyadong advance ang trabaho ko. I am just a photograper but they're treating me as their superior. Sobra na iyon.
Sana bumalik na ang Ceo para naman makahinga ako ng maluwag.
"By the way Charlotte, kailan babalik si Sir Zac?" Tanong ko nang maalala ko ang CEO.
"Oh yes, I almost forgot. Iyon dapat ang isa pa nating icecelebrate kasi baka nextweek ay nandito na siya."
Tumango ako at huminga ng malalim. Mabuti nalang para hindi na ako masyado mag iisip at ma-pressure.
"Mabuti naman. Kailangan ko din kasing maghanap ng psych." Napag isipan ko kasing kailangan ko din talaga.
Nakita kong sumeryuso ang mukha niya.
"Mabuti at nakapagdesisyon ka na." Binitawan niya ang kubyertos na hawak niya. "How are you? I mean.. hindi na nagpakita si Travis ng ilang araw, anong nararamdaman mo?"
Umiling ako dahil hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko.
Nakita kong tumitig siya sa akin ng ilang segundo. "I think you missed him."
Napatingin ako sa kanya dahil sa conclusion niya.
"Hindi." Pagsisinungaling ko kahit totoong namimiss ko siya, namimiss ko iyong pekeng Travis.
She sighed. "Okay, I don't know how you really feel pero sabihin mo lang sa akin kung may problema, sabi ko nga ay nandito lang ako." Nakangiti niyang sabi.
Tahimik nalang akong kumain kahit wala akong masyadong gana. It's always like this anyway, walang nagbago.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay pumunta na kami sa Club na sinabi ni Charlotte. Ngayon lang ulit ako iinum. Matagal tagal din noong huli kaming uminom ni Chad.
"Are you sure?" Charlotte asked when I odered one of the hardest drink in this club. Hindi ko din alam kung bakit pero gusto ko lang makatulog ng mahaba at mahibing kapag umuwi kami.
Natawa ako.
"Oo, ngayon lang ulit ito Charlotte so it'll be fine."
"Okay. So I won't order a hard drink for me, then. Baka walang magdrive." Nakangiti niyang sabi.
I nodded. All I want is to celebrate. Yes, celebrate dahil sa tagumpay namin ngayong araw na ito. And to sleep well.
But the drink was really hard dahil ilang minuto pa ang lumipas ay medyo nahihilo na ako. Ang bilis!
I decided to go to the Comfort Room because it was so hot, pakiramdam ko ay nasusunog ang buong katawan ko dahil sa init. I just want to wash my face for me to feel better.
I left Charlotte alone for the meantime. She wanted to come with me but I didn't agree. I was a wearing simple skirt, black under shirt and a maroon Bomber Jacket. Nang nasa banyo na ako ay hinubad ko ang jacket ko dahil sa sobrang init.
I washed my face and it was a relief. Wala akong pakialam kung nabura ang foundation na ginamit ko kanina, parang mas naging komportable pa nga ako.
Pinunasan ko ang basa kong mukha gamit ang tissue na nasa gilid ng salamin. I looked at the mirror and it was a bit blurry. Am I drunk already? Kumurap kurap ako para makita ko ang sarili ko sa salamin. Ngunit gusto kong magsisi dahil sa nakita kong repleksyon sa salamin I totally look like a mess! Mabuti nalang at mag isa ako ngayon dito sa loob ng wash room.
Charlotte really ordered the hardest drink. It was even harder than Martini.
Natawa ako sa sarili ko, ang kapal ng mukha kong umorder ng hard drink tapos hindi ko pala kaya.
"Stupid." bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako. Alam kong namumula ang dalawang pisngi ko, nahihilo din ako pero sinubukan kong maglakad ng normal.
Pagdating ko sa table namin ay agad tumayo si Charlotte nang makita niya ako.
"We need to go, he is here. Nakatingin siya sa akin kanina at alam kong alam niya na kasama kita." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino?"
"Travis.."
Noong una ay nakatingin lang ako sa bibig niya pero nang marinig ko ang mga lumabas doon ay napalunok ako dahil sa kaba.
Hindi ito pwedeng mangyari! Bakit ba siya nandito? I mean, bakit dito pa?!
Huminga ako ng malalim. I promised myself not to mind him.
"Hindi tayo aalis." Matigas kong sabi.
Hindi ko alam kung iyong alak ba na ininum ko ang nagdudulot ng katapangan ko o ang desisyon ko na magpapakatapang ako. Maybe both.
Nakita kong tumingin sa akin si Charlotte ng deretso.
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako at huminga ng malalim. Amoy na amoy ko ang sarili kong hininga na amoy alak. Mainit na din ang kalamnan ko, did I drink that much? O sobrang tapang talaga ng alak?
I pulled Charlotte at pinaupo na, ako din ay naupo sa sofang kaharap ni Charlotte.
Ayoko mang makita si Travis ay nilibot ko parin ng mata ko sa paligid namin. And I was thankful because I didn't see him. Baka kung ano na naman ang maramdaman ko kapag nakita ko siya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa inumin ko at agad kong ininum iyon, and s**t! Ang pait.
"Uy, easy lang okay? That's too hard." Charlotte warned me.
Natawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako natawa, may halo bang drugs tong inumin nila dito? Bakit parang nababaliw na ako.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Charlotte asked again, nakita ko ang pag aalala sa mukha niya kahit nanlalabo ang paningin ko.
I nodded. I'm fine, the only thing that is bothering me is thinking that Travis is here.
Pero sabi ko nga hindi ako magpapaapekto sa kanya diba? So I have to celebrate.
Kinuha ko ang baso ko at tinaas iyon. "Cheers!"
Nakipagcheers naman si Charlotte ngunit hindi niya ininum ang nasa baso niya at nilapag na naman sa mesa.
"Let's celebrate, Charlotte. Hindi ka naman umiinum." f**k! I talked so weird.
"I will drive your car later. Alam mo, uwi na kaya tayo. Marami ka ng nainum. Baka makita ka pa niyang ganyan." Sabi niya.
Sino? Si Travis? So? Wala din naman siyang pakialam. Hindi ko alam pero parang si Chad ang narinig ko. Ganoon na ganoon kasi ang linya niya noon sa akin.
Umayos na ako ng upo. Mukha nga yata ako ewan. I have to act normal dahil nakakahiya kay Charlotte.
I smiled. Kailangan nga talaga naming umuwi, I am acting too much.
"Okay. Let's go."
Nakita kong lumiwanag ang mukha niya. Tinawag na niya ang barman para magbayad, I brought out my wallet also, nakakahiya naman kung si Charlotte pa ang magbabayad.
Ngunit nagulat kami nang sabihin ng barman na wala na daw kaming babayaran.
"How's that?" Charlote asked the barman.
"That gentleman paid all your bills." Deretsong sabi ng barman at may tinuro siya sa likod ko.
Napakurap ako, sinong Sir iyon? May admirer ba si Charlotte dito? Lumingon ako at parang gusto kong sumuka dahil si Travis ang nakita ko. He was with a lot of girls and he's laughing with them na parang walang pakialam sa paligid. Bakit hindi ko siya nakita doon kanina?
"Oh really? Thanks.." Sabi ni Charlotte at umalis na ang barman.
Napatingin ako kay Charlotte.
"Mr De Guia is really something. Sa tingin mo may binabalak pa iyan sa'yo? O nagpapapansin lang talaga?" Charlotte asked na para bang alam ko talaga ang sagot.
I didn't talk at nakaramdam na naman ako ng takot dahil sa sinabi ni Charlotte. Travis did terrible things to me and I don't to experience it again.
"Sana wala." I seriously stated. My heart started to palpitate.
Charlotte stood up. "Wait me here. I'll just pee then we'll go home okay?" Sabi niya at humakbang palayo nang hindi niya hinihintay ang sagot ko.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad papunta sa wash room na pinasukan ko kanina.
She's been good to me since day one. And I know she's a friend I can really keep.
Uminum na ako ng malamig na tubig para pagbalik niya ay aalis na kami agad. Inaantok na din kasi ako at parang hinahalukay ang tiyan ko. I breathe hard.
I was fixing my things when someone suddenly grabbed my arm. Napatingala ako dahil sa gulat ngunit nadoble ang pagkagulat ko sa nakita ko.
Si Travis.
Mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. I violently pulled back my arm at wala akong pakialam kung masakit iyon. I had to do it dahil nabigla ako.
"You look sexy tonight." Sabi niya, nagulat ako nang maupo siya sa tabi ko. I thought he was mad at me? Galit na gakit ang mga tingin niya sakin. Bakit sobrang lambing ng boses niya? He's now flirting at me after he flirted with all the girls inside this club?!
Then I realized what he just said. Napakurap ako. He never said something good about my sexy clothes before, he didn't even allow me to wear sexy clothes and skirts. Pero ngayon? Pinupuri niya ako dahil sa suot ko. Just wow.
I didn't mind him and I just stood up. Dinampot ko na din ang bag at jacket ko. We have to get out of here.
"Do you want to dance with me?" He asked again.
Wala sa sariling tumingin ako sa kanya, he was looking at me na para bang ako'y isang babae lang na nakita niya dito sa bar at gustong kasayaw.
Nanikip ang dibdib ko. Kung hindi lang siguro nangyari ang mga nangyari ay buong puso akong makikipagsayaw sa kanya. But it's different now. Very different.
"No." Buong tapang kong sagot.
Kitang kita ko ang pagdilim ng mukha niya. So he expected me to say yes!?
Humakbang na ako palayo sa kanya ngunit mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila pabalik sa harap niya.
"Why are you here then? Why are you showing your f*****g legs inside this club house?" Matigas na tanong niya.
Hindi na ako tumingin sa kanya at marahas na tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko. Nanginginig man ang kamay ko ay dinampot ko na din ang bag ni Charlotte sa kabilang sofa.
Naglakad na ako palayo sa kanya at nabuhayan ako ng loob nang hindi niya na ako sinundan. Though my legs were still trembling, I still managed to reach the wash room. Kailangan kong makita si Charlotte at para makaalis na kami.
Travis is really planning something about me. I saw how he looked at me a while ago, ganoon na ganoon ang mga mata niya noong kinakausap niya ako noon sa bar sa enggagement party niya.
Pero bakit ba kailangan niya akong parusahan ng ganito? Wala naman akong ibang gawin kundi ang mahalin siya.