Part 9: Sa Likod Ng Papuri

633 Words
Pagkatapos ng operasyon sa isla, dinala kami pabalik sa kampo para sa debriefing. Pagod na pagod ang lahat, pero halatang proud ang bawat isa. Tumayo si Col. Herrera sa harap, hawak ang mikropono. "Maraming salamat sa inyong lahat. Hindi biro ang pinasok nating laban, pero dahil sa tapang at dedikasyon n'yo, matagumpay nating nahuli ang isa sa pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa." Pagkasabi niya noon, sabay sulyap siya kay Police Senior Inspector Adrian Villareal. "Partikular na binibigyang-pansin ang kontribusyon ni Senior Inspector Villareal, na nanguna sa surveillance at intel gathering na naging susi sa operasyon." Nagsitayuan ang mga kasama, palakpakan, may mga sumipol pa. Ako, tahimik lang sa isang sulok, nakangiti. Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto kong isigaw, 'Yan ang lalaki ko!' Pero syempre, hindi pwede. Hindi ako pwedeng magpahalata. Nakatingin lang ako sa kanya, at sa gitna ng ingay at palakpakan, bigla siyang lumingon. Nagtagpo ang mga mata namin saglit. At doon, pakiramdam ko, para lang kaming dalawa ang nasa loob ng hall. ⸻ Pagkatapos ng debriefing nagkaroon ng simpleng salo-salo. May mga pagkain, may mga inumin, may kantahan. Umupo ako kasama ang team ko, tumatawa sa mga biro nila, pero totoo niyan—wala akong naririnig. Ang atensyon ko, nasa kabilang mesa. Nandoon si Adrian, surrounded ng ibang opisyal, parang bida ng pelikula. Tangina, ang hirap... ang hirap makita siya pero hindi man lang mahawakan. Dumaan ang oras, nag-umpisang mag-uwian ang iba. May natulog na sa barracks. Nagpaalam din ako na magpapahinga. Pero pagdaan ko sa hallway, biglang may humila sa braso ko. Bago pa ako makareact, nasa loob na ako ng isang madilim na utility room. "Shhh..." Halos mawalan ako ng hininga. Si Adrian. Pawisan, nakabukas ng konti ang butones ng polo niya, kita ang matigas niyang dibdib. Pagod ang mukha pero nandoon pa rin ang pamatay na ngiti. "Adrian..." bulong ko. "Bakit dito? Baka may makakita—" "Hindi ko na kaya, Dave," bulong niya pabalik, nakadikit ang noo sa akin. "Kanina pa ako nagpapanggap. Kanina pa ako gustong lumapit sayo." Ramdam ko ang t***k ng puso niya, mabilis, sabay ng akin. ⸻ Tahimik. Parang nawala lahat ng ingay sa labas. Nakatingin siya diretso sa mata ko, tapos dahan-dahan, inilapit niya ang labi niya sa akin. Hindi ito yung halik na puno ng init lang gaya ng dati naming pagkikita. Ito, mabagal, banayad, parang natatakot siyang masira ang sandali. At sa halik na 'yon, pakiramdam ko hindi lang katawan ko ang nadadala—pati kaluluwa ko. Hinawakan ko ang balikat niya, ramdam ang tibay ng katawan niya sa ilalim ng uniporme. Niyakap ko siya nang mahigpit, at halos hindi na ako makahinga sa sobrang dami ng emosyon. ⸻ Naghiwalay kami saglit, parehong hinihingal. "Adrian..." bulong ko. "Mali 'to kung tutuusin. Pero bakit parang tama sa lahat ng aspeto?" Napangiti siya, nakapikit, nakadikit pa rin ang noo sa akin. "Kasi matagal na nating pinipigilan 'to. Matagal ko nang gustong sabihin sayo, Dave... pero natatakot ako." "Natakot din ako," sagot ko. Ramdam kong nanginginig ang boses ko. "Pero ngayong nandito ka, pakiramdam ko wala nang iba pang mahalaga." Tumahimik kami pareho. Pero sa pagitan ng t***k ng mga puso namin, malinaw ang lahat: may namamagitan na hindi na kayang itanggi. ⸻ Bigla kaming nakarinig ng yabag sa hallway. Napatingin kami pareho, kinabahan. "Kailangan nating lumabas nang paisa-isa," bulong niya. "Ayokong may makahalata." Tumango ako. Pero bago ako makalabas, hinila niya ulit ako para sa isang halik. Ngayon, mas mapusok, mas mariin, parang sinasabing kahit anong mangyari, ikaw at ikaw pa rin. Lumabas ako muna, naglakad na parang walang nangyari. Ilang minuto pa, sumunod siya. Parang strangers ulit. Pero sa loob ko, alam kong may isang bagay na nagbago. Hindi na lang ito lihim na tukso. Ito na ang simula ng isang bagay na hindi ko na kayang pakawalan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD