Nakaraan

193 Words
Pilit nang kinalimutan Minsan nang nawala sa isipan Ngunit nang bigla kang nagparamdam Lumatad sa harapan ang multo ng nakaraan Biglaang sumagi ang dating pinagdaan Na kung saan ako lang ang nasaktan Ako lang ang napuruhan at pinahirapan Habang ikaw, ay nakikipaglandian Sa nakaraan ako ikinulong Kung saan ako'y paulit-ulit na nagpagulong-gulong 'Di naantal at unti-unting nagpakalulong Sa bisyong ako'y paulit-ulit na ginugunggong Bumalik ang ala-ala ng luhang lumisan Na dahilan ng aking pagka-iwan Na kung saan, Ipinaramdam ang pansamantalang pagmamahalan Ngunit ang sakit ay naging pangmatagalan. Doon ko na napagtanto May iba na ang puso mo 'Di na ako karapat-dapat sa lugar mo Wala na akong saysay sa piling mo. Nang pilit pinakalma ang sarili Inisip kung sino ang mali Dahil puro sarili nalang ang sinisisi Ngunit napagtanto kong ikaw din ang may mali Piniringan ang isipan Upang 'di na muling mamataan Ang nakaraang nagsilbing kinakatakutan At sa 'di inaasahan, tinanggal sa ''di malamang dahilan Unti-unting kumalas sa pagkakapiring Pinanood kung paano nag-igting Ang mga matang nakatunghay sa akin Na hanggang sa mapagtantong, I ba na pala ang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD