"Manong guard," tawag ni Grasya mula sa guwardiya ng hotel.Nilingon siya nito at nginitian. Habang nasa flower shop siya kanina at nagsesenti ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Zen.Unknown caller pa ang ginamit ng mokong kaya matagal niya itong pinagmasdan bago sinagot. "Ano po yun,Ma'am," magalang na sabi nito. Ngumisi muna siya kay Manong guard bago nagsalita. "Pasensiya na po kuya.Nasa loob po kasi yung asawa ko kasama yung kabit niya.Gusto ko lang pong makasiguro kung totoo ngang may kalaguyo ang asawa ko." pagbibiro niya sa guard para papasukin siya. "Naku po Ma'am.Private po ang hotel na ito," kamot ng guwardiya mula sa batok. "Manong maawa ka po sa akin.Papasukin mo ako para makita ko kung totoo nga ang tsismis na may kalaguyo ang asa----" Habang nagmamakaawa siyang papas

