Prologue

933 Words
Tahimik akong nakatanaw sa pinsan kong kambal na masayang naghahabulan. Dati rati ay sa tv commercial ko lang sila nakikita. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapamilya ko ang kagaya nilang may masasabi sa buhay. "Ishana glad you're here!" Napaigik ako nang marinig ang pangalang 'yon. I'm really not used to hear that name lalo pa at 'ýon ang tawag nila sa 'kin. Masaya man ang babaeng papalapit sa 'kin ngunit makikita mo pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. In her 50's she still look young na tila ba ay nasa late 30's lamang siya. Suot niya ang isang white dress na masasabing gawa ng isang branded company dahil nagsusumigaw sa kamahalan ang telang suot. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung magano kaya ang suot niyang damit. "If only I help you that time hindi sana mangyayari 'to." Malungkot niyang pinasadahan ng tingin ang aking mga sugat sa braso at ang nakasementong kamay ko. Kasalukuyan ring akong nakaupo sa isang wheelchair. I can't stand alone dahil sa pilay at sugat na tinahi sa binti ko. "Tita D-Daphney 'wag niyo na pong sisihin ang sarili niyo,"turan ko. Hindi ko maitago ang pagkailang sa kanya. I am not belong in this family. Hindi ako dapat nandito. "I am a nurse at responsibilidad kita ng araw na ýon." Memories flashed into my mind. Nakaramdam ako ng panandaliang kirot kaya pasimple akong napapikit. "Look who's here, our beloved cousin, the slut in the family." May pang iinsulto ang boses ng lalaking kakarating lamang, bumaba ito sa bagong labas na sasakyan ng Audi. Tantya ko ay kaedaran ko lang din ito. "May sa demonyo ka talaga tagal mong mawala sa mundo." dagdag pa niya. Napangisi ako sa kaniya, you really can't buy class naman nga talaga. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Oh well, hell can't even handle me,"kuda ko kasunod non ang pagbigay sa kaniya ng pinakamatamis kong ngiti. "Oo nga pala nice to see you here." I smirked, hindi ako magpapaapekto sa kagaya niyang tao. I've face people who were evil and worst than him. "Stop it Kristof!" Saway ni Tita Daphney buti naman at kahit papano ay sumusunod ito sa tiyahin namin. "Dona Savanna wouldn't like it if she saw both of you quarreling again. Ikaw Kristof hindi ka na ba nagsasawa sa pang aaway mo sa pinsan mo? " "Totoo naman ang sinasabi ko Tita Daphney. Nakakasira lang ng reputasyon sa pamilyang Madrigal ang kagaya ng Ishana na ýan bayaran, haliparot, at malandi." Ewan ko ba sa Kristof na 'to napakainit ng dugo nito sa 'kin. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. "P're mag juice ka muna." Alok ko na lamang sa kaniya masyadong stress 'to sa pagkatao ko e. Pasalamat siya at nagmagandang loob pa ako sa kanya. Namula ang mukha niya sa matinding galit sa akin parang anong oras ay handa na itong sapakin ako. "I gotta go, baka atakihin ka pa sa puso Kristof. Hinay-hinay lang sa pagiging galit. Baka ma high blood ka, mapaaga ang pagkikita niyo ni Satanas." Tuwang-tuwa ako sa itsura ng mukha niya ngayon. Naghahanap sya ng salitang maaari niyang iganti sa 'kin. Yet he can't talk back to me. Gusto kong pumalapak malas lang at may pilay ang kamay ko. Nakaramdam na ako ng pagod kaya pinili kong magpahatid na sa personal nurse ko sa aking silid. I am still amazed how this body survive on that incident. "May problema ba Sunny?"Tanong ko dahil sa magang mga mata nito. Masasabing magdamagang umiyak ito. "P-pasensya na Sir Ishana. Hindi ko lang mapigilang magluksa."Aligagang paliwanag niya, nakikita ko rin sa mukha niya ang takot nito sa 'kin. Ganun pa man ang luha niya ay nagbabadya ng tumulo at pilit niyang pinipigilan ýon. "Dapat nagpaalam ka kay Lola Savana.Kaya ko naman na sarili ko."Nag aalala kong sabi. Losing someone who we love is the most painful thing in the world. He deserve a leave. "Sa totoo po nyan yung fav singer ko pong si Shun Jimendez po yung n-nawala." Natigilan ako sa narinig. Mabilis na rumagasa ang mga alaala ko. Kung pano ako nasangkot sa aksidente rason upang mawala ako sa mundo. Ako ang tinutukoy ni Sunny. I supposed to die but when I woke up nasa katawan na ako ni Ishana Madrigal. Yeah... this is absorb. Ilang beses kong ipinagdasal na sana panaginip lang ang nangyayari pero ito ang realidad ko ngayon. "I'm sorry po if that makes you uncomfortable. Ang bait-bait kasi ng batang ýon kaya nakakalungkot." "N-no its okay walang kaso 'yon sa 'kin." Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa inasta ko at pagbigay ko ng simpatya. "Nagbago na po talaga kayo Sir Ishana." Tipid na ngiti na lang ang itinugon ko. Sh*t mukhang kailangan ko na nga talaga panindigan 'to. Magmumukha akong nasisiraan ng bait if I always insisted that I am not Ishana Madrigal. "Iwanan ko na po kayo at tawag lang po kayo sa 'kin kung may kailangan po kayo." Paalam niya at dahan-dahang isinara ang pinto ng silid ko. Napatingin akong muli sa buong kwarto ko. May malaking portray rito ni Ishana, masasabing napakaganda niya kahit na lalaki pa 'to. Maamong mukha at puno ng kainosentehan. He has a petite body and his smile is full of radiance. "Gusto nyo po bang mapag isa muna?" Napansin siguro ni Sunny ang pananahimik ko kaya napatango na lang din ako sa tanong niya at siya'y umalis. Bumalik ang tingin ko sa kanyang portrait. You're so perfect Ishana Madrigal. You've got everything. Money and wealth. Beauty and fame. Then why did you do that? Why you killed yourself?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD