Janice's POV Panay ang buntong-hininga ko habang naghihintay sa porch door ni Samael. Pagkagaling ko kay Uncle ay rito na ako dumiretso. Gabi na kaya naman alam kong nagpapahinga na siya, pero sana gising pa siya. Gusto ko sanang makausap siya tungkol sa plano ko, bago ko pa ituloy iyon. Kakatok na sana uli ako ngunit bumukas na ang pinto. "Janice," aniya na halata ang pagkagulat. He's wearing a boxer short and plain t-shirt. Sa palagay ko ay patulog na siya kung hindi ako dumating. "Galing ako kay Uncle at wala ka roon, kaya pinuntahan na lang kita rito." Tumagilid ang ulo niya habang pinagmamasdan ako. "Balak ko kasing bukas na pumasok, so that I could rest today." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Come in. May problema ba?" Umiling ako. "I just need to talk to you." Hin

