Janice's POV Sa mga lumipas na araw ay naging casual nga kami ni Kiel sa isa't isa. Para kaming nagbalik sa umpisa, kung saan magkarelasyon kami, humaharap sa ibang tao na para kaming nagmamahalan. Pero alam namin na hindi. Kung gaano kami kadikit sa isa't isa kapag may nakatingin, ganoon kami kalayo kapag uwi sa bahay at pagpasok sa kuwarto. Hindi naging madali iyon dahil kasama namin sa bahay ang kapatid ni Kiel, lalo na nang dumating na sa Pilipinas ang magulang namin nina Kiel. They're here for the merge of Alvarez and Marquez. Lahat ay excited, ako lang yata ang hindi. Alam kong ako na ang nagtakda ng hiwalayan namin ni Kiel. Binigyan ko ito ng taning, na kapag successful ang merging ay maghihiwalay na kami at puputulin ang kasunduan nila ni Daddy. I made that decision to free m

