THE night ended with goodbyes. Bandang alas onse na nang natapos ang pa-Bonfire with free concert ni Angelo. "Bukas sisiguraduhin natin na matatapos ang commercial," masiglang sabi ng binata "Dapat lang," asar naman ni Chona. Ginulo ni Angelo ang buhok ng kapatid, kaya naiinis si Chona at pinaghahampas ito. Natatawa na lang ako sa dalawa na nag-aasaran na parang mga bata. "Miss!" biglang tawag ng isang lalaki sa aming likuran kaya sabay kaming napalingon na tatlo. Sino ang tinatawag nito? Lumapit ito sa amin. Medyo bata pa ito at parang guest din ng resort. "Sino ang tinatawag mo?" tanong ni Chona dito. Ngumiti ito ang binata sa akin at itinuro ako. "Nakalimutan kong kunin ang pangalan mo," sabi nito na hindi man lang pinansin ang tanong ni Chona. "Ha? Anong ibig mong sabih

