NAGMAMADALI akong pumasok ng building. I was too late at hindi lang half day akong absent, late pa ako sa half day ko lang sana. After a long sleep, I decided to see my doctor and asked a new prescription ng gamot. I need a higher dosage. Mas lalo daw akong na-ste-stress kaya't madalas ang pananakit ng ulo ko. Stress sa trabaho din dahil sa hinahabol naming publications. "Hello Kuya!" Magiliw na bati ko sa security guard at ipinakita ang bag at ID. Nakakunot-noo itong nakatingin sa'kin.Inayos ko ang salamin at sinipat muli si Kuya Guard. "Bakit po?" Nagtataka kong tanong nang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. "Bakit kayo nagbihis ma'am?" Biglang tanong ng guwardiya. "Po??" "At may gana ka pa talagang bumalik, ha?" pasigaw na sabi ni Chona sa likuran ko. Bumalik? Paan

