ANG akala nila gano'n lang susuko ang isang Mutya, na aalis na ako sa dapat ay posisyon ko? Pinagkaisahan ako nina Maria at ang nga guardian angels niya na mga madre upang mapatalsik sa buhay na akin naman dapat. Buhay na sa akin noo pa at pinatamasa ko lang saglit sa kapatid. Tapos ako ngayon ang evicted sa sarili kong katawan? Jusme! Don't me! Nagkakamali sila! I just rest for a while, plan everything and now I am back. Pinatikip ko lang sila ng pahinga para naman, hindi sila gaanong mapagod sa kakalaro sa hinanda kong laro at masaya ito. Masayang-masaya! Magtataguan lang naman kami. Magtataguan ng katauhan at magaling ako riyan! Malakas akong tumawa kaya nagtatakang tumingin ang bartender sa akin at iiling-iling tumalikod. "Lasing ka na talaga, Savannah!" ani ng bartender sa akin

