"ARE you insane!" bulalas ni Chona. "No bes! No! Ang mahal ng sasakyan ko and besides, wala kang lisensya. Baka mahuli ka." Hindi talaga ako mapakali at naisipan kong silipin si Marco sa restaurant hanggang sa makauwi ito. Hindi ako pumasok ng apartment at tumungo agad sa bahay ni Chona. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Natalie at baka ahasin niya ang boyfriend ko. Pinilit ko nang pinilit si Chona hanggang sa nakulitan siya at ibinigay ang susi. Gusto ko sanang samahan niya ako kaso may pupuntahan daw siya kasama ang sariling boyfriend din, at tamang tama, hindi niya gagamitin ang sasakyan. Marunong naman akong magmaneho. Kaunti. Nahihirapan lang akong mag-park minsan pero nakakaraos din naman. I have driver's license. Pero non-professional naman. Just idetification

