Hindi ako easy girl, yes. Pero may karupukan din ako minsan at winasak ng lalaking 'to ang katarayan ko. He never gave up! At sa pa-pick-up pick-up line niya lang ay nasabit na ang garter ng panty ko roon kaya gora! Pinaunlakan ng shunga kong utak ang puso kong sawi na makipag-sayaw at mag-entertain ng iba. "I'm Mut- I mean, Savannah..." I said, introducing my screen name na inilahad ko pa ang kamay upang makipagkamayan. Since, kakagawa lang ni Ms. Savannah na walang apelyido ang pangalan ko, hindi pa ako sanay na gamitin 'to kaya't minsan, nagkakamali ako. "I know," matipid na sagot niya. Nagpang-abot ang mga kilay ko and I think, nababasa niya ang ekspresyon sa aking mukha. "I knew your name through BJ." Ang tinutukoy niya ay si DJ Epal na mabantot. "How did you-" "I am DJ Rhemy..

