Doon na siya tila nakahinga nang maluwag. Malinaw na sa kanya ngayon kung bakit ganoon na lang ang tiwala ng daddy niya kay Gio noong una palang. Mapapagkatiwalaan naman pala talaga ito. Wala silang ibang kasama ro'n. Kahit ano maaari nitong gawin sa kanya. Kung tutuusin hindi naman talaga siya nito kailangang pilitin. Dahil mahal niya ito at handa siyang gawin ang lahat para rito. Pero hindi ito nag-cross ng line dahil may pagpapahalaga ito sa kanya at sa tiwala na ibinigay ng daddy niya rito. Kaya pala kampante ang daddy niya na ipagkatiwala siya sa binata. Habang nag-aagahan panay ang ngiti ni Gio kasunod ng mga nakaw na pagsulyap niya sa dalaga. Napansin naman ito ng dalaga kaya agad siya nitong sinita.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


