Broken . . Pumasok ako sa ladies room at wala masyadong tao rito. Naghugas nang kamay at inayos ang sarili. Kinakabahan ako. hindi ko alam kung paano ko ito gagawin, pero bahala na. Hindi ko yata kakayanin kapag engagement announce ang susunod. Pakiramdam ko kasi ito na ang mangyayari. Mali nga siguro ang pumarito ako. Sana hindi na lang ako pumunta rito. . Kinuha ko na ang cellphone ko at sa huling pagkakataon ay gusto kong mag-send ng mensahi sa kanya. Nabigla pa ako dahil ngayon ay 'seen' na lahat ang mensahi ko kay Charles. Nabasa na niya, at tiyak ngayon lang din ito niya nabasa. . Kinabahan na ako at naghintay ako ng iilang minuto rito sa loob ng toilet. Nagbabasakali na mag reply siya sa lahat ng mga mensahi ko. Pero pagkaraan ng sampung minuto ay wala pa, kaya nag mensa

