Ang device na gamit ni Natasha ay ang lumang imbento nina Zech, tatlong tao lamang ang maaari mong i-track. Kailangan mo pang i-register ang mga pangalan nila at papirmahan ang tatlong tao na ibig sabihin ay pumapayag kang i-track ka ng may-ari ng device anumang oras na gusto niya. Iyon nga lang, may nakaakibat itong bracelet na dapat ay laging suot ng tao. You can turn it off kung gusto mo rin ng privacy. Ginawa lang naman ang device na 'yon for emergency. Ngunit ngayon ay nag-upgrade sina Tito Zach. Unlimited na tao na ang kaya nitong i-track basta mayroon siyang bracelet. Hindi na rin kailangan pang magregister at pumirma, sasabihin mo na lang sa device ang buong pangalan ng taong gusto mong makita. But it's just limited edition. Though, it's your choice to turn off your bracelet for

