"Oh! You're here na pala, Ate?" Tinaasan ko ng kilay si Natasha na mukhang gulat na gulat nang makita ako. "Bakit gan'yan ang itsura mo? May tinatago ka, 'no?" akusa ko sa kaniya habang kinukuha ang mga gamit kong buhat ni Zech. "Hi, Kuya! I went to your house earlier but no one's there. Where have you been pala? Sasabay sana ako sa pag-uwi rito e," maarteng wika nito kay Zech na abala sa pag-aayos ng gamit ko. Nakuha pa niyang ngumuso sa harap namin. "Is that so? Baka nagkasalisi lang tayo," deretsong sagot niya. Nakipagtitigan pa ito sa akin. Hindi halatang nagsisinungaling siya. "But we... I mean, I saw your car sa garahe niyo e." "Bakit ba ang dami mong tanong? At bakit mo iniiiba ang usapan? Mas lalo mo akong binigyan ng dahilan para pagdudahan ka, Natasha." Kunwaring inis kong

