Ramdam ko ang awkwardness matapos nila kaming suwayin. Tahimik ang lahat, kahit nga yata paghinga ay nakakahiyang gawin. Nakapikit lang si Zech, nakapatong ang kaniyang ulo sa aking balikat. "'Love is so magical. It can make us marupok!' What? You're so witty! Haha! This is so funny!" wala sa sariling saad ni Kiz. Sinong kausap nito? Mukhang nababaliw na yata! "Stop it! I Ayaw kong tumawa nang malakas. Hmppp... hahaha!" Halla! Nabaliw na nga yata. Kakasabi ko lang kanina na hindi ko pa siya nakikitang tumatawa nang malakas tapos biglang heto na! Lahat yata kami ay takhang napabaling sa kaniya. Muntik pang huminto si Tito sa pagmamaneho. Pati ang katabi ko ay napabangon nang wala sa oras. Parang milagro kasi ang nangyari. 'Yong mahinhin nilang anak o kapatid, tipong hindi makabasag pi

