Eliza's POV Maaga akong naglakad papunta sa school. Ayaw ko kasing magpahatid gamit ang karwahe katulad ng iba kong ding mga kamaag-aral. Nakita ko si James na naglalakad papunta na din sa school kaya hinabol ko siya para makasabay kami. "James!" sigaw ko sa pangalan niya at patakbong lumapit sa kanya. "Oh ikaw pala Eliz." sabi niya sa akin habang naka ngiti. "Tingnan mo nga naman oh? magkasama si James at ang Prinsesa." sabi sa amin ng batang nang-aapi kay James kahapon. "Tumigil na nga kayo! Bakit niyo ba siya inaapi?" matapang kong tanong sa kanya. "Aba sumasagot ang munting prinsesa. Huwag kang sumama sa kanya dahil hindi natin siya kauri. Isa siyang halimaw." sabi ng batang lalaking kasama niya rin. Napayuko nalang si James sa sinabi ng lalaking yun. Ano ba ang ibig sabihin

